Chapter 12:
"Found You"Lucy's POV
Sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon, paano ba kasi, ikaw lang mag-isa sa madilim na gubat na hindi mo alam kung ano ang mga hayop na pagalagala kapag gabi.
Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, nakaupo lang ako sa isang bato at niyakap ko ang tuhod ko at sinubsob dun ang ulo ko, yung damit na puti ay nabahiran na ng putik, siguro dahil yun sa takot ko kanina ng biglang may lumabas na itim na pusa at tumakbo ako palayo dun.
Kung hindi lang sana ako nandito sa gubat siguro ay maganda yung bilog na buwan, kahit na nakayuko ako ay makikita ko ang liwanag ng buwan, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag dahil may liwanag na, kasi diba sabi ko dati kay Ethan na kapag nasa dilim ako ay pakiramdam ko nag-iisa lang ako, alam ko na dahil sa liwanag na ito ay alam ko na ligtas ako at may tutulong sa akin.
Pero kahit na ganun, iyak pa rin ako ng iyak, wala na akong marinig sa paligid dahil sa natatabunan na ito ng iyak ko.
Lord sana may magligtas sa kin, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.
Ethan's POV
Pagkatapos sabihin na nawawala si Lucy sa gubat ay kumaripas ako ng takbo, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa alam ko na takot yun sa dilim.
Kainis! Hindi ko na tuloy mahahawakan ng matagal ang kamay ni Lorriene dahil sa Lucy na yun, hindi sa sinisisi ko siya sadyang naiinis lang talaga ako.
Kumaripas ako ng takbo papuntang gubat at binitawan ang kamay ni Lorriene kahit na ayokong bitawan ang kamay niya ay kailangan, ako bilang Pekeng Boyfriend niya ay responsibilidad ko siya, ako pa naman ang inatasan ng Papa ni Lucy na aalaga sa kanya kahit na sadista yun, kaya kailangan ko si yang mahanap.
Nakarating na ako sa medyo gitna na ng gubat at buti na lang nadala ko yung flaslight na nasa kamay ng SC President. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may natapakan ako, napatingin ako sa.paa ko at nakita ang kulay dilaw na flashlight na kagaya sa akin.
Nakaramdam ako ng saya dahil maaari na malapit lang dito si Lucy, pero akong napatigil ng may narinig akong kaluskos, hindi ako takot sa dilim kaya hindi na ako magugulat kung sino man yun, nakarinig ulit ako ng kalus-kos at biglang lumundag ang isang itim.na pusa.
Sabi nila kapag nakaengkwentro ka daw ng itim na pusa ay mamalasin ka pero hindi ako naniniwala dun, umalis na yung pusa siguro ay alam niya na hindi ako nagulat. Sigurado din ako na ganun ang nangyari sa akin kanina kay Lucy at alam ko na takot yun sa dilim kaya nung lumundag ang itim na pusa ay natakot si Lucy at sigurado ako na tumakbo yun, napatigil ako dahil sa naisip ko.
Hinanap ko kung saan siya tumakbo at nakita ko ang ilang mga maliliit na sanga na nahawi at may nakita akong puting tela na nakasabit sa isang maliit na sanga, kinuha ko ito at inamoy at nakumpirma ko na kay Lucy ito dahil sa amoy strawberry na perfume, ganun kasi ang amoy ng perfume ni Lucy, amoy strawberry.
Naglakad ako sa mga maliliit na sanga, napagtanto ko na nasa gitna ito ng gubat patungo, lakad lang ako ng lakad, hindi ko alam kung ilang minuto na akong naglalakad pero patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may narinig ako mahinang pag-iyak, bigla na lang ako kinabahan dahil dun, kahit na hindi ako takot sa dilim ay takot naman ako sa multo, kanina ay kalma lang ako kasi imposible naman na gumawa ng kalus-kos ang isang multo.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...