Chapter 1: Encountered

13.8K 313 13
                                    

CHAPTER 1:
"ENCOUNTERED"

Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto, madami din ang niluto kasi madami ang kakain ng breakfast, nakasuot ako ng school uniform na tinakpan ng puting apron kasi papasok ako pagkatapos kung kumain.

Ang niluto ko ay scrambled egg, bacon, at fried rice, madami ang kakain nito kaya madami ang niluto ko na scrambled egg, bacon at fried rice.

After 20 minutes ay natapos na ako sa pagluluto at tatawagin ko na sila.

"Jerks luto na ang pagkain niyo!", sigaw ko sa kanila.

"Huh??!!!", tiningnan nila ako ng masama.

Hahaha hindi ako matatakot sa kanila kasi...

"Maraming salamat Young Master!", sabi ni Drew na isa sa mga pinagkakatiwalaan namin.

Nag-iba din ang itsura ng mga tauhan ko, kung kanina ay parang nakakatakot ngayon naman ay napalitan ng galak na itsura.

Hahaha sanay na ako sa ganitong sitwasyon.

Ako nga pala si Ethan Charles Mashima, isang half japanese at half filipino, ang nanay ko ay isang filipina at ang tatay ko naman ay isang japanese, pero ang tatay ko ay isa sa mga mayaman na yakuza sa japan, ngunit dito kami tumira sa pilipinas kasi wala masyadong yakuza dito at iwas sa gulo din.

Ang mga tauhan ko ay nakasuot sila ng japanese kimono na pang lalaki, tapos yung samurai at baril nila ay nasa gilid nila.

Inihanda na nila ang kanilang pagkain at nagsimula ng kumain, ako naman ay kumain na din kasi maaga pa ako papasok.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din sila sa pagkain pati ako.

"Ang sarap mo talagang mag-luto Young master, walang kakupas-kupas!", sabi ni Drew.

"Wag ka ng mangbola Drew hahaha.", sabi ko habang tumatawa.

"Si Young master talaga oh, Young Master halika na po baka malate ka sa school mo.", sabi ni Drew.

Lumabas na kami at sumakay ng kotse namin, kulay itim at thinted glass kaya hindi makita ang tao sa loob, bullet proff din ito para kapag may umataking kalaban ay hindi masyadong masira ang kotse at maging ligtas kami.

***

Dumating na kami sa school at bumaba na kami, bago ako pumasok ay may sinabi si Drew sa akin.

"Young Master mag-ingat po kayo, nitong mga nakaraang araw ay may nakalaban kaming mga gangster, kaya sigurado hinahanap ka nila.", sabi sa akin ni Drew.

"Wag mo na kong alalahanin.", sabi ko.

"Sige po Young Master,aalis na po kami.", sabi sabay ngiti sa akin.

Tumango na lang ako at pumasok na sa school.

Ang school pinapasokan ko ay Xavier High, ito ay isang public school kaya madami ang nag-aaral dito.

Naglalakad lang ako sa damuhan ng school malapit sa pader ng school, mataas ito na nasa 10ft, pader siya na semento at hindi mo makikita ang nasa labas o sa loob.

"Magpapakasal tayo paglaki natin.", naalala ko bigla ang babaeng nakasama ko sa probinsya noong bata pa ako, hinawakan ko ang kwintas na binigay niya sa akin.

Kinuha ko ito at pinaikot-ikot sa kamay ko.

Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Naalala kaya niya ang pangako namin sa isat-isa? Naalala kaya niya ako?

Habang nag-iisip ako ay may biglang nahagip ng mata ko at nakita ko ang isang babae na tumalon sa pader at nakasubo pa sa bibig nito ang isang sandwich na may palaman.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon