Special Chapter:
"The Leader of Black Phanter Gang."Micheal's POV
"Boss kinidnap si Princess ng Red Dragon Clan.", sigaw ng tauhan ko.
Bigla akong nakaramdam ng galit dahil sa narinig ko. Hindi maaari! Paano nila nakidnap si Princess? Magbabayad sila!
"Ihanda ang mga tauhan natin!", sigaw ko.
"Yes boss!", nagmamadali silang lumabas at narinig ko ang mga sigaw nila na maghanda na.
Kailangan kong iligtas si Princess, nangako ako na kahit na anong mangyari ay pro-protektahan ko siya, pero may isang beses na hindi ko siya nailigtas kasama ang Mama niya, hindi niya alam ang nangyari kaya hindi na namin ito pinag-uusapan at tsaka mukhang hindi na niya naalala ang lalaking nagligtas sa kanya sa noong bata pa siya.
Flashback
"Micheal! Micheal! Nasan ka?!", sigaw ni Princess Lucy sa sala. Nandito kasi ako sa office ko.
"Nandito ako sa office Princess!", sigaw ko.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok siya, napaangat ang tingin ko at nakita ko ang itsura niya. May dumi yung damit niya.
"Saan ka po galing Princess?", tanong ko sa kanya.
"Pumunta ako sa Open Field dito.", sabi niya.
"Tumakas ka na naman po Princess?", tanong ko sa kanya.
Palagi kasi siyang tumatakas at hindi namin alam kung saan siya pumupunta basta pagkauwi niya ay may dumi na ang damit niya katulad ngayon.
"Hihihi, wag mong ipalam kay Papa at Mama.", mahina niyang sabi.
Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga itong alaga ko, sobrang tigas ng ulo.
"Bakit mo nga pala ako hinahanap?", tanong ko kasi kapag may kailangan siya ay hinahanap niya ako.
"Kasi may nakilala akong bata sa Open Field.", ngiti niyang sabi.
Sino kaya yun? Minsan ko lang kasi makita si Princess na ngumingiti sa iba, siguro lalaki ito at mukhang nagkacrush dito si Princess.
"Lalaki ba yan?", tanong ko.
Tumango naman siya, kaya napangiti ako.
"Siguro Crush mo noh?", tanong ko ulit.
Namula naman siya dahil sa tanong ko, ang cute talaga ng alaga ko.
"Hihihi Oo, kaya nga may ibinigay ako sa kanya. Yung kwintas na ibinigay ni Mama, naalala mo yun?", tanong niya sa akin.
Napaisip naman ako run. Siguro ito yung kwintas na kweninto niya sa akin dati. Sa pagkakaalala ko ay binigay ito ng Mama niya, sabi niya ay True Love Necklace daw yun, tinanong ko si ya kung bakit ganun, sabi niya hindi daw sinabi sa kanya ng Mama niya.
"Yun ba yung True Love Necklace?", tanong ko.
Tumango naman siya. Ibig sabihin nun ay nangako sila sa isa't isa na magpapakasal after 10 years? Ang bata pa nila.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...