Chapter 27:
"Save Me."Ethan's POV
Isang linggo na mula nang makalabas ako sa Hospital at Dalawang linggo na din mula nang mawala si Lucy. Sa loob ng isang linggo ay hindi ako makatulog dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
Kumusta na kaya si Lucy? Okay lang kaya siya? Nakakain ba siya ng maayos?
Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung saan ako magtatanong.
Wala pa akong balita kanila Papa, hindi ko alam kung okay lang ba sila.
Nandito lang ako sa bahay, wala ginagawa, kundi matulog at kumain lang, pakiramdam ko mag-isa ako sa bahay kahit na may mga katulong na nandito.
Sina Rafael ay dumadalaw din dito pero hindi madalas kasi may pasok, gusto ko sanang pumasok pero hindi ako pinayagan ng doktor kaya heto ako nakatunganga sa kwarto at hindi alam kung ano ang gagawin.
Gusto ko lumabas ng bahay para hindi ako mabagot dito sa bahay pero hindi ako makalabas dahil madaming nakabantay sa bahay at inutos ng Papa ko daw na hindi ako papalabasin kahit anong mangyari.
Gusto ko nang makita si Lucy, gusto ko siya mahanap pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, kung saan ako magsisimula, hindi ko alam.
Mahal ko siya. Oo mahal ko siya, nalaman ko lang yun makalipas ang ilang araw mula nang makalabas ako sa hospital. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung mahal ba niya ako pero okay lang yun, atleast maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya pero mukhang matagal pa yun mangyari.
Okay na din ang ulo pero may benda pa rin siya pero hindi katulad na kapag nag-iisip ako ay sumsakit, ngayon ay okay na.
Nakatunganga lang ako sa kwarto nang may kumatok sa pinto.
"Sir may bisita po kayo.", sabi ng katulong namin sa labas.
"Sige po, susunod na ako.", sabi ko.
Narinig ko naman ang mga yapak niya na umalis na sa pinto. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.
Sigurado sina Rafael naman ito pero okay na rin yun upang mabawasan ang pagkabagot ko sa bahay.
Nang makarating ako sa sala ay kala ko sina Rafael, hindi pala.
"Ethan?! Ikaw na ba yan?", tanong ng Lolo ko, sa side ni Papa.
Marunong magsalita ng tagalog ang Lolo ko dahil sa nakapunta na din siya dito sa Pilipinas pero matagal na rin yun pero hindi mo mahahalata na japanese siya dahil sa galing nitong magsalita ng tagalog.
"Oji-san?", tanong ko.
"Ethan My Grandson.", sabi ni Lolo at tumayo sa sofa at niyakap ako, niyakap ko din pabalik si Lolo.
"Masaya ako dahil sa okay ka na Apo.", sabi ni habang nakayakap kami, kumalas ako sa yakap ni Lolo.
"Anong ginagawa mo dito Oji-san? Bakit kayo nandito sa Pilipinas?", tanong ko, matagal na kasi mula ng pumunta si Lolo dito, noong bata pa ako, nung namatay ang Lola ko, sa side ni Mama.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...