Chapter 8:
"Group Study"Ethan's POV
"Ok class, ipaalala ko lang sa inyo na malapit na ang exam, at kailangan niyong makapasa sa exam na ito dahil malaki ang maitutulong nito sa susunod na exam.", sabi ni Maam sa amin.
Oo nga pala malapit na ang exam, kailangan kong mag-aral para naman lumaki ang grado ko.
Napatingin ako kay Lucy na tahimik lang nakikinig at nakatingin sa harap.
Pagkatapos iannounce ni Maam ang nalalapit na exam ay nagsimula na siyang magturo.
Nakinig lang ako ni maam at nagtake down notes para naman may mascan ako sa notebook ko kapag magrereview ako.
Natapos na ang dalawang klase namin sa umaga at breaktime na.
Tumayo na ko at pinuntahan si Lucy, napatingin naman siya sa akin nang makalapit na ako.
"Sabay na tayo sa cafeteria.", sabi ko sa kanya.
"Sige, mukhang kailangan na talaga natin na magkasama tayo palagi, mukhang nakahalata na si Micheal, kaya kailangan natin mag-ingat.", sabi niya sa akin.
Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya.
Nakakainis talaga ang Micheal na yun, mahigit isang linggo na din kaming nagpapanggap ni Lucy at palagi namin nababantayan na palagi kaming minaman-manan ni Micheal kaya kailangan talaga namin mag-ingat.
Sabay na kaming lumabas ni Lucy at pumunta na sa cafeteria, tahimik lang kaming naglalakad sa hallway, meron din kaming nadadaanan na mga estudyante at alam ko na nakatingin sila sa amin, kalat kasi sa school na magsyota kami ni Lucy, isa kasi sa mga shareholder dito sa Xavier High si Papa kaya alam nila kung ano ang status ko sa buhay.
Nakarating na kami sa cafeteria at pumunta sa counter para umorder, medyo mahaba-haba ang pila kaya kailangan naming magtiis, nasa ika-walo ako at ika-pito naman si Lucy, so bale nasa unahan ko siya.
Lumipas ang ilang minuto ay si Lucy na ang mag-oorder.
"Isang sandwich, isang burger, at isang c2 apple.", sabi ni Lucy sa tindira.
Tumango naman ang tindira at kinuha na ang mga order ni Lucy.
Nang makuha ni Lucy ang order niya ay umalis na siya sa unahan.
"Hihintayin kita, dito lang ako sa gilid.", sabi niya.
"Kkkkyyyyaaaahhhh!!!! ANG SWEET!!", sigaw ng babaeng nasa likod ko.
Narinig pala niya ang usapan namin, ngayon ko lang nalaman na marami palang chismosa dito.
Napatingin naman ako sa paligid at nakita na nakatingin sila lahat sa amin, tiningnan ko naman si Lucy na nakayuko, nakita ko din ang pula niyang mukha.
Hahaha, nahihiya pala siya, ang cute niyang tingnan.
Teka sabi ko Cute? Aish nevermind.
"Sige, hintayin mo lang ako.", sabi ko na lang, medyo na hiya din ako dahil lahat sila ay nakatingin sa amin.
Pumunta na ako sa counter at nag-order na.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...