Chapter 14:
"Last day of Camping."Lucy's POV
Pumunta na ako sa bahay na tinutuluyan namin, hindi ko alam kung bakit ganun ang trato ko kay Ethan, inaamin ko na mabait si Ethan, pero hindi ko alam kung bakit ganun ang trato ko sa kanya, siguro dahil sa pagpapanggap namin at sa situation namin ngayon kaya ako ganun sa kanya, pero ang babaw naman yun diba? Aish! Bakit ko nga ba iniisip yun? Di bale na nga!
Nang makarating ako ay binuksan ko na ang pinto at nadatnan ko sina Rafael na nakaupo sa couch at halatang tapos na silang maligo, seryoso silang nag-uusap, ewan ko kung ano ang kanilang pinag-uusapan kaya dumiretso na lang ako sa kwarto at pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis, sinuot ko ang kulay asul na t-shirt ko na may tatak na walang forever, ewan kung bakit nadala ko ito, ewan ko din kung bakit may damit ako nito minsan kasi kapag nagshopping ako ay hindi ko na tinitingnan ang mga damit na binibili ko, wala kasi akong masyadong taste of Fashion kaya ganito ang mga sinusuot ko.
Pinarisan ko ito ng kulay asul din na jongging pants at kulay asul na sapatos, hindi naman ako masyadong mahilig sa blue eh no? Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila na nag-uusap pa rin, kanina pa sila dyan ah? Hindi ba sila nauubusan ng topic? Hindi ko na lang sila pinansin at umupo muna sa couch, siguro naman hindi kami papagalitan kasi tapos naman kami eh kaya okay lang siguro na magpahinga muna.
"Alam mo ba Lorriene noong grade 8 kami ni Ethan may ginawa kaming kalokohan sa Papa niya.", rinig kong sabi ni Rafael kaya napatingin ako sa kanya.
Ano sabi niya, may ginawa silang kalokohan sa Papa ni Ethan?
"Talaga? Ano naman yun?", excited na tanong ni Lorriene, well may gusto kasi kay Ethan eh kaya ganun siya kaexcite na malaman ang kalokohan ng lalaking gusto niya.
"Binigyan kasi namin ang Papa niya ng regalo.", ngiting sabi ni Rafael.
Regalo? Ano naman ang kalokohan dun? Binigyan lang naman nila Ethan ng regalo ang Papa niya? Ayos din trip nitong mokong na to.
"Oh tapos?", Wow! Grabe talaga itong si Lorriene, well ganyan naman tayo kapag tungkol na sa gusto natin topic kaya hindi ko din siya masisisi.
"Tapos nang buksan niya ang regalo ay....... hulaan niyo muna kung ano ang laman ng regalo na binigay namin sa kanya.", pilyong ngiti niya sa amin.
Aba loko to ah! Ano akala niya sa amin manghuhula?
"Direct to the point Rafael, hindi kami manghuhula, baka dumugo ang ilong mo.", banta ko sa kanya.
Nakakainis kasi! Ang ayaw ko kasi ay yung binibitin ako! Teka gusto ko ba malaman kung ano ang binigay nila sa Papa ni Ethan? Hay ewan!
"Ito naman, ang brutal mo talaga.", simangot niyang sabi kaya tinitigan ko siya ng masama kaya ayun umiwas ng tingin.
"Ano ba ang laman ng regalo niyo sa kanya?", tanong ni Lorriene, mukhang hindi na siya masyadong naexcite sa kwento ni Rafael.
"Okay. Ang laman kasi ng regalo na binigay namin ay ahas, hahahahaha.", tawa niya.
Huh? Hindi ko maintindihan? Ano naman ang kalokohan nila dun? Teka niloloko ba kami nitong mokong na to?
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...