Chapter 23:
"Gifts."Lucy's POV
"Happy Birthday."
Pakiramdam ko tumigil ang oras nung sinabi niya yun.
Birthday ko ngayon? Hindi ko alam. Masyado ba akong madaming iniisip kaya kahit birthday ko ay hindi ko na matandaan?
"Hindi mo matandaan na Birthday mo noh? Hahaha Ikaw talaga.", sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Bigla akong tumigil sa pag-iyak at kumalas sa yakap niya tapos hinarap ko siya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Lucy Happy Birthday.", paulit niya.
Hindi ko alam pero bigla ulit akong naiyak dahil dun, may nakaalala ng birthday ko, ito ang unang pagkakataon na may bumati sa akin na ibang tao, kadalasan kasi ang bumabati sa akin ay si Papa, si Micheal, si Lance at mga tauhan namin, ngayon ay itong taong gusto ko, hindi pala, mahal ko ang bumati sa akin ng Happy Birthday, hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya ngayon, ito ang isa sa pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko.
"Uy wag ka ng umiyak.", panick niyang sabi.
"Ikaw kasi!", sabi ko tapos hinampas siya.
"Aray! Ang sadista mo talaga.", sabi niya habang nakahawak sa braso na hinampas ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya, nabigla naman siya dahil dun.
Sobra talaga akong masaya ngayon, hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya ngayon.
Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, nakabawi na siguro siya sa pagkagulat.
"Wag ka na ngang umiyak, papanget ka lalo.", sabi niya kaya natawa kami pareho.
Para akong baliw na ngumingiti habang umiiyak, iyak dahil sa sobrang kasiyahan.
"Lucy sorry ulit.", sabi niya habang nakayakap.
"Bakit ka nagso-sorry?", tanong ko.
Bakit ba?
"Kasi sa sinabi ko kanina.", sabi niya at napawi ang ngiti ko dahil dun.
Naalala ko yung sinabi niya kanina.
"Hindi ganun ang tingin ko sayo, namin, hindi ganun Lucy.", sabi niya.
"Nasabi ko yun dahil parte yun ng plano ko, hindi talaga ganun ang tingin namin sayo, kahit na sinasaktan mo ko.", dugtong niya.
Hindi ko alam pero natawa ulit ako sa huli niyang sinabi.
"Hindi naging iba ang tingin namin sayo, kaibigan ka namin, hindi magbabago yun."
Feeling ko maiiyak ulit ako dahil dun, masyado akong sensitive about sa kaibigan, minsan lang kasi ako makahanap ng tunay na kaibigan kaya pinapahalagahan ko talaga sila, lalo na sa kanila ko nahanap ang tunay at totoong kaibigan.
"Okay lang yun.", sabi ko
Ganun lang ang posisyon namin nang ilang minuto, I feel safe in his arm.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...