Chapter Twelve.
"May vacant ka ba bukas?" DJ asked. Is he gonna ask me to do something for him while he's busy with Julia again?
"Half day ako. Nakalimutan mo na agad ang schedule ko?" sabi ko.
"Ay, oo nga pala. Friday bukas." said DJ, remembering my schedule. Hindi naman kami ganito dati ha. Kabisado namin ang isa't isa. Ultimo oras ng bawat subject.
"Bakit ba?" tanong ko na lang, kahit alam kong hihingi lang yan ng favor para kay Julia. What is it this time? Bibilhan ko ng boquet of flowers? Gagawa ng love letter? Or another painting ulit? Hmm, baka naman ako pa ang mag-seset up ng dinner date nila.
"Labas tayo."
Really? Totoo ba ito? Lalabas kami?
Don't get me wrong ha, not that I'm doubting DJ's thoughtfulness today. Pero nakakapanibago lang. Kung favor na para kay Julia, aba mas maiintindihan ko pa. Pero kami? Lalabas?
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka dyan?" Napansin niya ata yung anxiousness ko.
"Nakakapanibago lang." I honestly stated.
"Anong nakakapanibago doon? Eh halos lagi tayong magkasama noon." sabi niya. I giggled at his innocence, or shall I say stupidity of not understanding what I meant.
"Yun na nga eh, lagi tayong magkasama noon. Eh ngayon?" I asked, a hint of mocking in my voice.
"Kaya nga I'm asking you to spend the day with me tomorrow. Ano ba yang mga sagot mo, Kath? I only need a yes or a yes. Remember, I don't take no for an answer." he fluently answered. Aba, kailan pa ito naging imported?
"Kailan ka pa naging englishero ha? Gumaganyan ka na ngayon!" sabi ko.
"Si Julia kasi eh, laging nagsasalita sa english, eh ayun. English din ako sumasagot. Nasanay na ako." sabi niya naman. Di ko na lang sana tinanong.
"Ahh." I simply answered. I don't like this kind of conversation. Sorry, not sorry.
"Si Julia kasi, hindi na masyadong marunong magtagalog." he explained.
I was not even asking! And duh, ilang taon lang sa America hindi na marunong magtagalog? Ano yun? Nabrain-wash nang makatapak sa America? Hindi na lang ako nagsalita, nagpretend na lang ako na interesado ako sa mga sinasabi niya. Minsan na nga lang kami magkasama, alangan naman na sirain ko pa.
Yun na nga eh, minsan na lang kayo magkasama, hinahayaan mo pang puro Julia ang dinadakdak niyang kasama mo.
I heard my inner voice spoke to me.
Baliw na ba ako? May nalalaman na akong inner voice. So help me, God.
"Hindi pa ba kayo nag-uusap o nagkikita ni Julia?" He asked out of nowhere. Hindi pa, at putcha, ayoko. Pardon me for my words.
"Hindi pa." sabi ko naman.
"I think you should meet her!" He exclaimed. No, please. Ayoko.
"I guess." sabi ko na lang.
"Oh, bakit ganyan ka? Ayaw mo ba si Julia para sa akin?" his face softened. Parang disappointed siya. Ayaw ko DJ, pero may magagawa ba ako?
"Ha? May sinabi ba akong hindi ko gusto si Julia para sayo?" sabi ko.
"Obvious eh. Kanina pa ako nagkwekwento sayo tungkol sa kanya, eh parang hindi ka interesado." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...