HG20. Thoughts

57.1K 784 116
                                    

Chapter Twenty. [Dedicated to ate Audrey.]

Wednesday, December 11, 2013.

It's been almost a month since that scenario at the restaurant with Julia. Kumalat na rin sa University na sila na ni Daniel.

A lot we're happy, and many shipped JulNiel. Some girls were so broken-hearted.

And I am one of those some girls.

Mahirap mang isipin kung paano ang sitwasyon namin, pero kailangang tanggapin.

Do you wanna know what's worse than knowing that the person you love is truly, madly, deeply in love with someone else?

Hindi na kami nag-uusap ni Daniel.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali.

Hindi ko alam kung sino sa amin ang problema. Kung siya ba o ako.

Ang alam ko lang... nasasaktan ako.

Mas tatanggapin ko pa kung sila na, pero hindi niya ako linayuan.

Nakakainis nga eh, kasi kahit anong iwas ko para makita silang dalawa sa campus, hindi ko magawa-gawa.

Flashback

"Oh, Kath! Tapos na klase mo?" rinig kong tanong ni Jon. Napatingin naman ako sa kanya. Buhat buhat niya yung bag niya tapos mga libro. Kahit kailan, napakasipag talagang mag-aral ni Jon.

Ngumiti ako sa kanya, siya naman lumapit na sa akin.

"Uhm, oo. Katatapos lang. Ikaw?" tanong ko.

"Tapos na, kanina pa. Hinintay lang kita. Lunch?" pag-aalok ni Jon. Ilang araw at linggong ganito si Jon.

Lagi akong hinihintay pagkatapos ng mga klase ko, tapos sabay kaming naglalunch. Hinahatid pa ako minsan pauwi.

Nasabi ko na bang nameet na niya si Daddy? Okay naman daw siya sabi ni Daddy. Mabait naman daw, matino. Hindi ko naman tinanong sa kanya kung anong opinyon o tingin niya tungkol kay Jon.

"Game. Lika na." sabi ko at inayos ang pagkakabitbit ko sa bag ko, tapos binuhat ko na yung mga libro ko.

"Akin na yan." he insisted. I looked at him, may mga bitbit na siyang libro, tatlo pa. Tapos bubuhatin pa niya itong dalawang libro ko? Nako, wag na.

"Ako na lang, may buhat na eh." sabi ko. Jon smiled at me.

"Kahit kailan talaga, ang kulit kulit mo." sabi niya at kinurot ang ilong ko.

"Halika na nga, gutom na ako." sabi ko.

Tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni Jon.

"Doon na lang tayo dumaan."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, hinila pa niya ako.

"Bakit? Andun na yung canteen oh." sabi ko, tumingin naman sa akin si Jon.

"Kath, dito na lang." pagpupumilit niya.

Ano bang masama kung dumaa-

Tumalikod ako. At laking pagsisisi kong tumingin sa building kung nasaan yung canteen.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon