Chapter Twenty Two. [Dedicated to Baby_Snowflakes]
Narrator's Point of View
December 18, 2014. 7:16 pm, Christmas Party.
Kasalukuyang nag-aayos si Daniel para sa Christmas Party ngayong gabi. Taun-taong nangyayari ito sa kanilang unibersidad. Ito'y parang Christmas Ball, may program, tapos party na. You can attend with or without a date. Formal event ito, kaya nakatux si Daniel.
Inayos niya ang bowtie niya. Sinuklay ang buhok at inayos na parang usual hairdo niya.
Hindi nag-eeffort si Daniel sa pag-aayos. Hindi kasi siya yung katulad ng ibang lalaking halos tatlong oras magpagwapo. Natural na kasi ang pagkagwapo ni Daniel. Hindi niya kailangang maayusan, kasi anong ayos, okay lang. Gwapo pa din.
Kung tutuusin kahit nakapambahay lang siyang umattend ng party, eh siguradong pagkakaguluhan pa rin siya.
Ganun kalakas ang appeal ni Daniel.
Excited si Daniel sa Party. Magsasama-sama kasi ang mga colleges, parang Foundation Day. Dahil masyadong marami ang mga estudyante ng kanilang unibersidad, magaganap ang party sa isang engrandeng hotel.
Marami kasing nasolicit ang unibersidad para sa party, at sinigurado ng Presidente na mag-eenjoy ang mga estudyante sa gabing ito.
Bukod doon, excited ring makita ni Daniel si Julia. Magkadate kasi sila ngayong gabi. Malamang, magkasintahan sila. Natural lang na magkasama sila ngayong gabi.
"Danilo! 7:30 yung nasa invitation! Malelate ka na." rinig ni Daniel na sigaw ni Karla niya sa labas ng kwarto niya. "Diba susunduin mo pa yung girlfriend mo?"
"Hindi, Ma. Ihahatid daw siya ng Daddy niya eh." sagot naman ni Daniel at binuksan yung pintuan niya.
"Sige, bilisan mo na. Hinanda na ng Papa mo yung kotse mo." sabi ni Karla.
"Ano ka ba, Ma. Kahit malate ako, ako naman ang inaabangan ng lahat." sabi ni Daniel at kumindat pa sa Nanay.
"Aba, syempre. Gwapo mo talaga, anak nga kita." sabi naman ni Karla sabay hawak sa buhok ni Daniel.
Agad namang sumimangot si Daniel. "Ma! Buhok ko!" pagrereklamo niya.
Napatawa lang si Karla sa inakto ng anak. Boys will always be boys. sabi niya sa sarili.
"Oh, go na. Bilis." sabi ni Karla at hinila na si Daniel pababa.
--
Sa kabilang parte naman ng mundo, ala-sais pa lamang ng umaga'y gising na si Kathryn. Nag-alarm kasi niya na kasalukuyang naghahanda ang dalawang matatalik niyang kaibigan sa Pilipinas ngayon.
Kasalukuyang nakaharap ngayon si Kathryn sa laptop niya, kaharap ang dalawa niyang kaibigan. Nakapalit na ang dalawa sa mga cocktail dresses nila. Nakamake-up na, at handa nang pumunta sa party.
"Sige, girls. Have fun, okay?" sabi niya.
"Oo naman, si Marco babe ang date ko eh." Miles excitedly exclaimed.
"Whatever, Miles. Mas okay ang walang date no." Sabi naman ni Aria.
"Wait, Aria, wala kang date?" tanong ni Kathryn.
"Obvious ba, Kath?" Naiinis na sabi naman ni Aria at nakasimangot.
"Ang bitter mo, Aria." sabi naman ni Miles.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...