HG38. "Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal."

44.5K 812 88
                                    

Chapter Thirty Eight

February 24, 2014. 7:16 am.

"Baba na, Kathy ko." sabi ni DJ. Pinagbuksan niya kasi ako ng pinto.

"Uhm, mauna ka na. Susunod na lang ako sa pagpasok." sabi ko naman.

"Bakit na naman ba, Kath?" tanong niya.

"Mauna ka na nga. Hihintayin ko pa sina Aria at Miles, makikisabay ako sa kanila." sabi ko.

"Eh bakit ayaw mong bumaba sa kotse?" tanong niya.

"Ahhh, uhm." Wala na akong lusot, ugh.

"Kath, umamin ka nga, ikinahihiya mo ba ako?" tanong niya.

"Ha? Saan nanggaling yan? Hindi ah!" I defended.

"Seems like it." sabi niya at naglakad na palayo.

Dali-dali naman akong bumaba sa koste at isinara yung pinto.

"DJ! Wait lang!" sabi ko at hinabol siya. Thank God I wore sneakers today.

"Bahala ka nga." sabi niya at mas binilisan ang paglakad.

"DJ, DJ! Wait lang!" Perks of having such short legs, ambagal kong tumakbo. I mean, ang liliit ng steps ko.

Dj stopped, thank God, and faced me. "Okay lang, Kath. Sige na, hintayin mo na yung mga kasama mo."

"You don't understand." sabi ko sa kanya.

"Then ipaintindi mo, Kath. You're not even calling me babe or DJ ko." sabi pa niya, not looking at me.

"DJ ko," I paused. "Kasi... nahihiya ako." Yan, nasabi ko na.

"Sabi ko na nga ba ikinahihiya mo ako." sabi niya. Maglalakad na sana ulit siya pero pinigilan ko siya by grabbing his arm.

"Wala akong sinabing ganun, babe." sabi ko.

"Eh ano nga? Kath, okay lang naman eh, sabihin mo lang." sabi niya.

I did what I think the best. I tiptoed and kissed him on the lips. "Nahihiya ako kasi diba nga, feeling ko hindi kita deserve. Tsaka sanay ang mga tao dito na magbest friends lang tayo, babe. Yun lang. Hindi kita ikinahihiya, ako na siguro ang pinakamasaya at pinakaproud na girlfriend slash best friend dito sa universe."

Napangiti naman siya. "Marunong ka ng magpakilig ngayon?" tanong niya then leaned in once again to kiss me on the lips. Good thing, maaga pa, walang tao sa Parking Lot, puro kotse. Pag nagkataon, mawiwitness nila kung gaano kami kahilig ni DJ ko sa PDA.

"Wag ka wag kang macoconscious sa iba ha? Dapat hindi tayo maging affected sa sinasabi nila." I nodded.

"Okay?" tanong pa niya.

"Okay." I responded.

"Tara na?" sabi niya. I smiled at him and intertwined my fingers to his.

"Tara na." I repeated.

--

Being so much aware of people looking at us as we pass by them is probably the most awkward thing ever.

As in na nakatingin sila sa mga kamay namin, sa bag ko na nasa isang balikat ni DJ ko, sa mga tingin ni DJ ko sa akin, kung paano kami maglakad. With matching bulungan pa. Mga chismosa.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon