HG37. Recordings

45.4K 929 184
                                    

Chapter Thirty Seven

February 23, 2014. 8:30 am.

"Now, let us the sing the prayer the Lord has taught us."

Nagsihawakan ng mga kamay yung nasa harap namin, pati sa gilid, pati sa likod.

Nagtinginan lang kami ni DJ, tapos ngumiti siya.

Hinawakan na niya yung kamay ko, tapos yung matanda na nasa right niya.

Habang nagsisimula na yung musiko ng Ama Namin, nagulat ako nang hinawakan ng lalaki sa left ko yung kamay ko.

I suddenly felt uneasy. Tiningnan ko yung lalaki, nakatingin siya sa akin tapos ngumiti. I awkwardly smiled back and sang along.

Pinisil ko naman yung kamay ni DJ sa kabilang kamay ko tapos tumingin ako sa kanya.

Sinenyas ko naman sa kanya yung lalaki sa tabi ko, and he frowned. Hanggang sa natapos yung kanta, nakatingin lang si DJ sa akin at sa kamay nitong katabi kong lalaki.

"Amin na kamay mo, babe." sabi niya sa akin.

Binigay ko naman yung left hand ko. Inilabas niya yung panyo niya tapos pinunasan niya. Napatawa naman ako. "Ang bastos mo babe, wala naman sigurong sakit yung lalaki." I whispered to him and he chuckled.

"Mahirap na, babe." sabi niya at hinalikan ang kamay ko. From the fingertips, to the back of my palms and my palms.

I smiled at him sweetly.

"Let us offer each other the sign of peace." rinig kong sabi nung pari.

Nag peace be with you naman ako sa nasa harap namin, tapos sa mga nasa likod namin.

Tapos pagtingin ko sa left, nakatingin na sa akin yung guy. "Peace be with you." he stated with a smile.

"Peace be with you." I repeated and smiled.

Ito namang katabi kong isa, hinawakan yung kamay ko tapos pinaharap ako sa kanya.

"Babe, patawarin sana ako ni Lord, pero nakakainis yang katabi mo." I chuckled at his remark.

"Peace be with you babe." sabi ko. He was about to lean in and kiss me on the lips but I stopped him.

"Baka ayaw ni Lord ng PDA, babe." I joked.

He just rolled his eyes and kissed me on the forehead.

"I love you." sabi niya.

"I love you." I agreed and kissed his cheek. Alangan namang sa forehead din eh ang tangkad niya.

Then as the mass went by, DJ was just holding my hand and rubbing his thumb on my hand occasionally.

--

"Babe, sabay tayong papasok bukas?" tanong niya sa akin.

"Kaw bahala." I answered as I ate my fries.

Nasa McDonald's kami ngayon. Katatapos lang ng misa.

"Sunduin kita?" tanong niya.

"Kaw bahala." sagot ko ulit.

"Babe naman." sabi niya at nakapout pa.

"Anong babe naman? Inaano ba kita?" I asked.

"Wag ka ng magalit." sabi niya.

Sa totoo lang, naiinis kasi ako sa kanya. Kanina kasing natapos yung misa tapos paglabas namin sa simbahan, hinarang niya agad yung lalaki na katabi ko kanina. Tapos sinabihang, "Don't flirt with my girlfriend." Sino ba naman ang hindi maiinis? Katatapos ng misa tapos ganyan siya. Hmm.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon