HG32. A little party never killed anyone.

54.8K 1.2K 280
                                    

Chapter Thirty Two

"Ang aga naman yata natin?" tanong ko.

"Anong maaga? 6:32 na oh." sagot ni DJ habang nakafocus sa pagmamaneho.

"Eh sabi mo 7 yung party." sabi ko naman.

"Dapat maaga tayo. Kapag 7 tayo makakarating doon, madami nang tao." What's wrong with going there when there'll be many people? Ayaw ba ni DJ na makita ako ng mga tao na magkasama kami? Ikinahihiya ba niya ako?

Hindi na lang ako nagsalita. Ang dami ko na namang naiisip na dahilan.

Bakit kaya ganyan tayong mga babae? Ang hilig nating mag-overthink at mag-conclude sa mga bagay-bagay. Napaka-advanced nating mag-isip. Ang daming mga tanong na tumatakbo sa mga utak natin. Kaya siguro madali tayong masaktan.

Kasi pinangungunahan natin yung puso natin. Lagi na lang utak yung ginagamit.

Kaya mali rin siguro yung lagi na lang utak ang ginagamit.

"Oh, ang tahimik mo na naman." Bigla namang nagsalita itong katabi ko.

"Just thinking." sagot ko na lang.

"About?"

"Things."

"Tell me." sabi niya at tiningnan ako.

"Bakit kaya laging utak ang pinapaairal when it comes to love?" tanong ko. Nagulat rin ako sa sinabi ko. Saan nanggaling yun?

"Ewan ko nga eh. Dapat hindi kasi utak yung pinapairal." I listened to him. "Kasi kapag utak lagi, hindi na yun pag-ibig. Pride na yun."

Pride? Paano nagiging pride? Dahil ba sa tiwala? Mali bang pag-isipan muna ng maigi bago magtiwala at magmahal?

And as if he was reading my mind, he spoke slowly. "They think a lot maybe because they can't risk their heart to love without the assurance of not getting hurt and being always happy."

"I beg your pardon. Mali yata yang sinasabi mo. Mas mali naman kung you won't take the risk to love. Eh di hindi na yun love." I disagree with his statement. Super wrong.

"Kaya nga nila pinapairal yung utak nila kasi takot na masaktan."

"Then it's not love." sagot ko naman.

"Ano ba para sa iyo ang love, Kath?" he looked at me then back to the road again.

"Love seeks no boundaries, it expands unconditionally, unlimitedly. Ang pag-ibig dapat walang basis, walang ideal love. Ang love, hindi ito nasusukat. Love should be unique in its own way. Dapat wala kang ginagaya. May sarling libro ka dapat ng pag-ibig." I spoke with much enthusiasm.

"Kapag umiibig ka, dapat malaya ka. Kasi kapag nakakulong ka sa sarili mong doubts, hindi yun pag-ibig. Tsaka, alam mo yung, don't give your one hundred percent trust na gasgas na linya? Psh, mali yun. Kapag hindi buo ang tiwala, ibig sabihin hindi totoo yung pag-ibig."

Napangiti naman si DJ sa mga sinasabi ko kaya ipinagpatuloy ko ang pananalita.

"Sa pag-ibig, dapat matuto kang magtake ng risks. Dapat dauntless ka. You should take the risks kung talagang gusto mo. So what kung masaktan ka? Having a broken heart only means that you're human. Ibig sabihin totoo yung pagmamahal mo. Getting hurt is a lesson anyway. Always look on the bright side."

None of us spoke. The sound of the beeping cars passing by and the music from his radio were the only sound that engulfed us.

"Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa pag-ibig?" tanong ni DJ.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon