HG44. Pain of Holding On

35.4K 767 294
                                    

Chapter Forty Four

March 22, 2014. 1:43 pm.

Friday ngayon, papunta ako ng library kasi Finals na pala next week. Ang bilis pala ng panahon.

"Kath, may kailangan ka pa ba?" tanong nung librarian sa akin, umiling lang ako at naghanap na ng vacant table.

Matapos yung nangyari kahapon, umuwi na agad ako. Nagcommute na lang ako, hindi ko kasi magawang tignan si DJ sa mata nang hindi iniisip lahat ng kasinungalingan niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinagat ko ang labi ko. Ayan na naman, tutulo na naman ang mga luha ko.

I groaned as I wiped it. Ano bang nangyayari sa akin? Ang dami ko nang naiiyak kagabi? Hindi pa ba yun sapat?

"Kailangan mo ng panyo?" Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Jon na may panyong hawak.

Napangiti ako at kinuha iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko, tama na, please.

"Salamat, Jon." sabi ko.

Umupo si Jon sa harap ko.

"Ano ba yang nirereview mo? Math ba yan at umiiyak ka habang binabasa mo?" Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga." sabi ko. "Salamat ulit."

"Sus, parang di ka na sanay sa akin."

I smiled at him.

Bakit kaya hindi na lang si Jon ang mahalin ko? Bakit si DJ pa? Siya yung laging nananakit sa akin, pero bakit siya pa rin yung mahal ko?

"Ano na namang iniisip mo? Mag-aral ka na nga." sabi niya.

"Ang unfair ng buhay no?" sabi ko sa kanya.

He smiled, alam na niya na kailangan ko ng comfort ngayon.

"Life is never fair, Kath." sabi niya.

"Bakit kaya?" tanong ko.

"Life is ironic. We love those people who continuously hurt us, but hurt those people who never stopped loving us."

Natamaan ako dun ah.

Napaiyak na lang ako.

"Nakakainis tong mga luhang to. Hindi pa tumitigil, kagabi pa." I mumbled as I wiped the tears away.

"Okay lang namang umiyak eh." sabi ni Jon. "Kumain ka na?"

Umiling ako. Hindi pa ako kumain. Hindi rin ako nag-almusal.

Wala akong gana.

"Kain muna tayo bago ka magreview?" tanong niya.

I nodded.

"Pwedeng... iinvite natin si Aria?" tanong ko.

"Sure. Invite anyone." sabi niya sa akin.

Pagtayo ko, buhat na ni Jon lahat ng hiniram kong books. Ako naman, binuhat ko na yung bag ko. Habang naglalakad kami, tinext ko na si Aria to meet me at the canteen.

May table na kami ni Jon, nakaupo na ako. Tapos si Jon naman, ayun, bumili na ng pagkain namin.

My phone suddenly vibrated.

From: Babe

Let's talk please.

I didn't bother replying. Wala rin naman akong gustong pag-usapan.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon