Chapter Eighteen. [Dedicated to SimpleYetEmotional]
Narrator's Point of View
Nang makaalis si Kathryn sa cafeteria, dumeretso siya agad sa comfort room upang ilabas ang kanyang mga sama ng loob.
Bakit nga ba ako nagpapakatanga para kay DJ?
Will he ever see me the way she sees Julia?
Oh, how could I forget, I am just his best friend. Nothing more.
Ilan lamang iyan sa mga tanong at ideyang umiikot sa isipan ni Kath.
Biglang may nagring ang cellphone niya, isang litrato ni Aria ang nagpakita sa screen. Tumatawag si Aria.
"Kath?" Aria worriedly stated.
"A-aria? H-hindi ko na kaya... Puntah-han m-mo na a-ako dito, please." Halos pautal-utal na sambit ni Kathryn habang humihikbi dahil sa kakaiyak.
"Nasaan ka ba, Kath?" tanong ni Aria.
"Comfo-ort r-room, Fine Arts B-building." Nanginginig si Kathryn, dahilan na siguro ng malakas na paghikbi niya.
"Don't worry, Miles and I are on our way. Stay there." Aria stated.
Kathryn could not answer anymore, instead, she hung up and continued sobbing really hard.
Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? Oo, alam kong best friend niya lang ako. Alam na alam ko iyan. Pero bakit kailangang isampal niya sa mukha kong hanggang doon lang ako. And to think... he have known me for more than half of his life. Si Julia na nakilala namin noong high school, at halos tatlong taon nang hindi nagpakita, siya yung mahal niya.
LIFE IS UNFAIR.
Iyan lamang ang naiisip ni Kathryn sa mga oras na ito. Maya-maya, dumating na ang dalawang matatalik niyang kaibigan at pinatahan siya. Ngunit imposible iyon, kung nagsimula nang umiyak si Kathryn, mahirap na siyang patigilin.
Hindi na nagtanong ang dalawa niya kaibigan, alam na alam na nila ang dahilan ng kanyang kalungkutan at kasawian ngayon.
--
Sa kabilang parte naman ng kanilang unibersidad, ay ang dalawang kabataang masayang nag-uusap. Katatapos lamang nilang kumain.
"Julia, wala na akong klase pagkatapos nito. Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Daniel sa dalaga.
"Ako rin, wala na. Gusto mong pumunta sa bahay?" Alok ng dalaga.
"Okay lang ba sa Mama mo?" tanong naman ni Daniel.
"Wala sila, dalawang linggo sila sa America ni Dad. Yung mga kapatid ko lang at yung mga kasambahay namin." sabi naman ni Julia.
"Sige ba. Tara na?" sabi naman ni Daniel.
Pumunta na ang dalawa sa Parking Lot at ilang minuto lang ay nasa daan na sila papunta sa bahay ng dalaga.
Upang maliwanagan ang lahat, hindi pa magsyota sina Julia at Daniel. Nanliligaw pa lamang si Daniel. Pinapatagal pa ni Julia ang panliligaw ni Daniel sapagkat gusto niyang maging sigurado sa kanyang desisyon pag nagkataon.
Mahal ni Daniel si Julia, hindi na iyan kailangang itanong.
Pero si Julia? Gusto niya rin si Daniel, pero mahal? Iyan ang imposible.
Para kay Julia, ang lahat ng ito ay laro lamang. Hindi naniniwala si Julia sa tunay na pag-ibig sa kanilang edad. Wala siyang balak na magseryoso. Nasa kolehiyo pa lamang sila, gusto niyang i-enjoy ang teenage life niya habang kaya pa niya.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...