Chapter Thirty Nine
February 26, 2014. 8:17 am.
"Hindi na naman tayo sabay maglalunch?" tanong ni DJ ko with a pout.
"Last na 'to, babe. Bukas na lang ha?" pakiusap ko.
"Babe naman, di tayo nagsabay kahapon. Tapos hindi na naman ngayon?" tanong nya ulit. I gave him a sigh as a response and hugged him.
My arms on his waist and my cheeks on his chest. Ang tangkad kasi eh.
"Baby, promise ko babawi ako." sabi ko sa kanya.
"Hmmm, ayan na naman. Sinabi mo yan sa akin kahapon eh."
"Promise talaga. Papayag akong makipagdate sa weekends." Mukhang mabisa naman yung sinabi ko, niyakap naman ako pabalik.
"Promise, babe?" tanong niya.
I looked up to meet his eyes.
"Promise, babe." I repeated.
"Sige. Basta kakain ka ha?" sabi niya.
I kissed his cheek, "Opo."
"Okay then. Walang boys?"
"Wala po."
"I love you."
"I love you."
--
"Fiona, wala pa ba yung iba?" tanong ko kay Fiona.
"Nagtext si Hannah, malapit na daw siya." sagot naman niya.
"Okay. Eh sina Bella?" tanong ko.
"May binili lang na materials." sagot naman niya.
"Kath! Andito ka na pala!" Nagulat naman ako nang nagsalita si Noami.
"Hi Noami," I greeted and hugged her. "Si Lorie? Kumusta na yung solicitations natin?" tanong ko.
"Naisend na naman lahat kahapon, may dumating ng solicits kanina!" she excitedly exclaimed.
"Binigay mo na ba sa Daddy mo yung letter niya?" tanong pa niya and I nodded.
"Si Lorie? Nasaan na?" tanong ko.
"Nasa Science and Mathematics Club office, kinukuha yung solicits." sagot niya.
"Good morning girls!" Andyan naman si Maureen at Jeneen.
We all gathered up, hanggang sa nakompleto na kami and we started doing our assigned works.
--
"Kath, 5:30 na. Andyan na yung sundo mo." sabi ni Shaine sa akin. I immediately stopped sketching and groaned in frustration. Sa buong araw na nagssketch ako, wala, ni isa, ang gusto ko sa mga gawa ko. I am out of focus and inspiration.
"Sige, umuwi na tayo ha? See you tomorrow girls." sabi ko at kinuha na ang bag ko.
Pagkalabas ko ng room, nakita ko si DJ ko na nakalean sa wall on the opposite side. Nakalagay pa yung mga kamay niya sa bulsa niya.
I smiled instantly.
"Hi there." sabi ko.
My daily dose of happiness.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...