Chapter 26
Narrator's Point of View
Sa kabilang dako naman ng kwento, kasalukuyang magkakasama ang magtrotropa sa garage ng bahay nina Daniel.
Tinutulungan nila Seth, Katsumi, Lester at JC si Daniel na linisin yung kotse niya. Sa dami ng ginagawa niya, nawalan na siya ng oras upang linisin ang pinakamamahal niyang si Gino- yung kotse niya.
"Kats, nauuhaw ako. Ang init eh, di ka ba nauuhaw?" pagpaparinig ni Lester kay Daniel. Si Daniel naman, parang walng naririnig.
"Oo nga eh. Nakakapagod pa lang maglinis ng kotse ng kaibigan." Sagot naman ni Kats.
"Gutom na rin ako, mga tol." sabat naman ni JC.
"Ano ba kayo? Bakit di niyo na lang deretsuhin si DJ?" sabi ni Seth. "J, coke nga tapos meryenda. Kahit sandwich lang." pagpapatuloy ni Seth na siyang naging dahilan nang pagtawa ng magtrotropa maliban kay Daniel.
"Ano ba ako? Alila niyo? Ang usapan, tulungan niyo akong maglinis. Wala akong sinabing papakainin ko pa kayo." Mataray na sagot naman ni Daniel.
"Taray natin ha? Meron ka?" Pambibiro ni Kats at nakatanggap naman ng batok mula kay Daniel.
"Sige na, J. Kahit coke lang." sabi ni Lester na uhaw na uhaw na ngang tunay.
"Sige na nga. Dyan lang kayo, linisin niyong maigi si Gino." sabi ni Daniel at pumasok na sa loob ng bahay nila.
Nagngitian ang naiwang magkakaibigan sa garage.
"Ano bang pag-uusapan natin, Seth? At talagang kailangang paalisin natin si J?" tanong ni Katsumi.
Oo, plano ni Seth na mapaalis si Daniel upang makapag-usap sila.
"Kasi, tol, may nakita ako kahapon." sagot naman ni Seth.
"Ha? Ano na naman yun?" tanong ni Lester at ibinaba muna ang panlinis na hawak niya.
"Si Julia, may kasamang lalash." pabulong na sagot ni Seth.
"Seryoso ka, 'teh? Lalash as in boylet? Oh my gosh." sabi naman ni Katsumi.
"Yuck, Kats. Gusto mo yatang isumbong kita kay Dae." Sabi naman ni JC.
"Tumigil nga kayo. Tapos? Ano na, Seth?" tanong naman ni Lester na interesadong interesado sa kwento ni Seth.
"Sa park sa subdivision nila Annika. Sinundo ko kasi siya, tapos yun, nakita ko si Julia, may kasama. Hindi ko kilala yung lalake, pero alam ko yung mukha." sabi ni Seth.
"Ha? Niloloko lang ba niya si DJ?" tanong ni Lester.
"I'm not sure about that." sagot ni Seth.
"Ano bang nakita mo? Holding hands? Kiss?" tanong ni JC.
"Hindi naman kiss, pero nakaakbay yung boy eh." sagot ni Seth.
"Baka naman magkaibigan." sabi naman ni Lester.
"Tol, alam ko kung paano umakto ang magkaibigan at magsyota." sagot naman ni Seth.
"Oh my gosh, this is so tweetable!" sigaw naman ni Katsumi.
Natigilan naman ang apat nang marinig nila ang boses ni Daniel.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...