Chapter Twenty One. [Dedicated to Danica, ang sarap niya kasing kausap. Salamat, Danica!]
Narrator's Point of View.
December 14, 2013, 8:47 pm.
Ngayon ang gabi ng pag-alis ni Kathryn papuntang New York kasama ang Daddy niya. 10 o'clock ng gabi ang oras ng flight nila. Ngayon, inaayos lang ni Kathryn ang kanyang mga gamit kasama ang dalawa niyang malalapit na kaibigan na sina Aria at Miles.
"Mamimiss kita sis." sabi ni Miles habang tinutulungan niyang magtupi ng damit si Kathryn.
"Parang naman ilang tao ako doon. Dalawang linggo lang, Miles." sabi naman ni Kathryn.
"Sayang girl, hindi ka makakacelebrate ng Pasko dito." sabi naman ni Aria na inaayos ang toiletries ni Kathryn.
"Oo nga eh, first time na aalis ako ng bansa for Christmas. Usually kasi dito lang." sabi naman ni Kathryn na ngayo'y nagtutupi pa ng mga damit.
"Bakit kasi hindi makakauwi si Tita?" tanong ni Miles.
"Siguro dahil di niya maiwan yung business doon. At least dito kasi, meron naman sila Kuya para bantayan muna yung company. Eh walang kasama si Mommy doon." sagot ni Kathryn.
"Hay, buti ka pa sis, anytime pwede kang mangibang-bansa." Miles stated as she folded the last shirt.
"Hassle din sis. Hindi rin naman ako umaalis ng bansa kung hindi dahil sa kagustuhan nila Mommy." sabi ni Kathryn.
"Pero girl, hindi ka na makakaattend sa Christmas Party niyan. Daddy mo pa naman ang may pinakamalaking donation para maidaos ang event na yan." sabi naman ni Aria at inayos na ang maliit na bag na pinaglagyanan niya ng toiletries ni Kathryn sa maleta niya.
"Yun na nga eh. Gusto kong umattend, pero may magagawa ba ako? And alam niyo namang gusto kong lumayo muna." Sabi ni Kathryn na may bakas na lungkot sa kanyang mga mata.
"Kathryn, please, huwag mo muna siyang isipin. Think as if yang two weeks ay vacation from reality. Leave everything here." sabi ni Aria.
"Oo girl. Sarili mo lang at ang pamilya mo ang isipin mo sa dalawang linggo na yan. Pero kapag magsa-shopping ka na, isipin mo na kami. Size seven ang paa ko ha." pagbibiro ni Miles. Natawa naman silang tatlo.
"I'll try. Pero... ugh. Ewan ko, bahala na." Kathryn stated with a sigh.
"Alalahanin mo na lang yang mga mabibigat na iniisip mo pag-uwi mo. Wag ka ngang mastress, magpapasko oh." sabi ni Aria.
"Pero, maiba ako Kath. 2 weeks? So makakapag new year pa kayo dito?" tanong ni Miles.
"Not exactly two weeks. Andito na kami sa umaga ng December 31. And yes, makakapag new year pa kami ni Daddy dito." sagot ni Kathryn.
"Okay then! Basta wag mong kakalimutan ang pasalubong namin ha?" sabi ni Miles.
"Kayo ba naman ay makakalimutan ko?"
"Ay nako, sige na. Tingnan mo na kung may kailangan ka pa. Isang oras na lang, flight niyo na." sabi ni Aria.
"Hmm, parang may kulang sa maleta ko eh." sabi ni Kathryn at inisip kung ano yung kulang niya.
"Jacket girl, wag mong kalimutan." sabi ni Aria.
"Ay, oo nga pala. Wait lang." sabi ni Kathryn at pumasok sa closet niya.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...