HG17. Meet Julia...

59.4K 803 128
                                    

Chapter 17. [Dedicated to hannahbanana742]

On that same day.

Mahimbing na natutulog na si DJ. Medyo matagal-tagal ko rin siyang pinilit na matulog, giniginaw daw kasi. Ako naman, nanonood lang, habang siya nakayakap nang mahigpit sa akin. Hanggang sa nakatulog na nga nang hindi ko namalayan.

Dahi tulog na siya, madali kong natanggal yung pagkakayakap niya sa akin. Kinuha ko yung phone ko sa side table ni DJ, katabi sa phone niya. Tinignan ko kung nagreply si Dad or si Manong.

Si Manong, nagreply na. Nakauwi na rin daw. Si Dad, hindi pa. Baka nasa work pa.

I looked at the time, 3:27 pm. Nakahiga pa rin ako sa kama ni DJ habang naglalaro ng Candy Crush. Call me lame pero I'm so freaking in love with this game.

3 moves na lang at isang fruit na lang ang kailangang ihulog nang biglang nagring yung phone ni DJ. Actually, hindi ring na ring na yung kriiiing, yung ringtone niya kasi Wipe Your Eyes by Maroon 5. Hindi naman niya yan favorite song.... bakit niya ringtone? Last time I checked, hindi siya mahilig sa Maroon 5.

I looked at the caller ID at laking gulat ko nang makita ko ang picture ni Julia sa screen.

Nagdalawang isip ako, sasagutin ko ba? Hindi kaya magagalit si DJ?

I sighed, sasagutin o hindi?

Nakailang segundo rin nang napagpasyahan kong sagutin ang tawag. I cleared my throat before speaking.

"H-hello?"

"Uhm, h-hello? Who's this? Where's DJ?" derederetsong tanong ni Julia.

"Uhm, Julia. Si Kath ito." sabi ko.

"Kath? As in Kathy ni DJ?" she asked and giggled.

"Oo, hello Julia." sabi ko. Grabe, naa-awkward'an ako.

"Uhm, hi Kath! Are you with DJ? May uhm, s-sasabihin l-lang sana ako." Bakit parang nag-stammer siya sa huling part?

"Oo, pero ano... he's sick... ako yung nag-aalaga. May ipapasabi ka ba?" sabi ko.

"Uhm, it's nothing important. I will just... uhhh... I'm going to c-call him maybe tomorrow." sabi niya.

"Oh, okay. I'll tell him na you called when he wakes up." sabi ko.

"Okay." she said in a monotone voice. Her mood seemed to change?

"Okay, bye Julia." sabi ko. Hindi na siya nag goodbye, ibinaba na niya agad.

Bakit parang ang unpredictable niya? Ang sweet pa ng voice niya sa una, pero nung sinabi kong may sakit si DJ at ako ang nag-aalaga sa kanya.... parang biglang naging seryoso yung boses niya?

Halla, hindi kaya nagselos yun? Nako, baka hindi sagutin si DJ.

Eh di ba dapat masaya ka?

A voice in my head stated.

Yun na nga eh, dapat masaya ako kapag hindi niya sinagot si DJ... pero mas hindi ko naman kakayaning makitang masaktan si DJ. It seems na mahal niya talaga si Julia. And Julia makes her so happy... Kaya wala akong magagawa.

My thoughts got interrupted when I heard a knock from the door. Si Mama Karla.

"Kath, anak, dito ka na daw magpalipas ng gabi. Tumawag si Dad mo." she informed.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon