Chapter Twenty Three
[Play the song on the multimedia repeatedly.]
Narrator's Point of View
December 24, 2013. 11:14 pm.
Bisperas ng Pasko sa Pilipinas. Masayang nagsilabasan ang mga tao galing sa Simbahan. Magkahawak kamay ang mga magkakasintahan, may mga masayang nakikipag-usap sa labas ng SImbahan at di mabilang na mga pamilya ang nandito para sa bisperas ng Pasko. At isa na ang mga Padilla dito.
Pasko na naman, ngunit wala ka pa.
Hanggang kaya ako'y maghihintay sa'yo.
"DJ, 'nak. Buhatin mo nga si Lelay. Inantok na." sabi ni Karla sa panganay na anak niya.
"Si Lelay talaga, sinabi ko naman na wag na lang sumama kasi baka makatulog lang." sabi ni Daniel at binuhat na si Lelay.
Bakit ba naman kailangang lumisan ka?
Ang tanging hangad ko lang, ay makapiling ka.
Agad namang ipinikit ni Lelay ang mga mata niya at natulog na.
"Mama, I'm hungry na. Did you cook for Noche Buena?" tanong ni Magui.
"Oo naman, 'nak. Ako pa. Oh, halina kayo at umuwi na tayo." sabi ni Karla sa kanyang mga anak.
Si Rommel naman ay nauna na sa kotse pagkatapos ng misa. Hinintay naman siya ng kanyang mag-iina sa harap ng simbahan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumigil na ang kotse ni Rommel sa harap ng kanyang pamilya.
Binuksan ni Karla ang pintuan ng back seat at pumasok na si Daniel, na buhat buhat pa rin si Lelay na natutulog, at si Magui na inaantok na. Umupo na rin si Karla sa shotgun seat.
Sana ngayong pasko, ay maalala mo pa rin ako.
Hinahanap-hanap pag-ibig mo.
At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako.
Muling makita ka, at makasama ka.
Sa araw ng Pasko...
Nakakandong si Lelay sa lap ni Daniel. Si Daniel naman, ayun. Nagtetext na naman. Perhaps, she was texting her girlfriend.
"DJ, pupunta ba talaga yang girlfriend mo mamaya?" tanong ni Karla.
"Oo, Ma. Umattend daw ng Christmas Party ng barkada niya." sagot naman ni Daniel.
"Barkada? Hindi ba yun nakimisa?" tanong ni Karla.
"Hindi yata eh, Ma." sabi naman ni Daniel.
Pasko na naman, ngunit wala ka pa.
Hanggang kailan kaya, ako'y maghihintay sa'yo?
Bakit ba namang kailangangang lumisan pa.
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka.
Sa isip naman ni Karla, Paskong-pasko tapos barkada yung pinuntahan? Bakit hindi nakimisa. Aba, hindi ko pa nakikilala yang kinababaliwan ni DJ eh parang hindi ko na feel.
Pero pinili ni Karla na wag sabihin kay Daniel ang saloobin niya. Ayaw niyang masaktan si Daniel. Ayaw niyang isipin ni Daniel na ayaw niya ang babaeng iniibig niya.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
أدب الهواةKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...