Chapter Forty Five
Narrator's Point of View.
March 23, 2014. 10:16 am.
Sa oras na ito, kararating lang ng barkada ni Kathryn sa Amusement Park. Ngunit sa kabilang dako ng storya, masarap pa rin ang tulog ni Daniel.
Naalimpungan siya sa tunog ng cellphone niya.
Sino naman kaya ang tumatawag sa ganitong oras?! tanong niya sa isip niya.
Napagtanto niyang si Seth ang tumatawag kaya ito'y sinagot niya.
"Tol, siguraduhin mong mahalaga ito." ang una niyang sinabi.
Tumawa naman sa kabilang linya si Seth.
"Good morning rin J." sabi niya at natatawa pa.
"Seth, utang na loob, inaantok pa ako." reklamo ni Daniel.
"Tumawag ako para ipaalala yung lakad natin mamayang gabi."
"Eh gago ka pala eh, mamayang gabi pa. Eh bakit ang aga mong tumawag?" galit na tanong ni Daniel. Tumatawa lang si Seth sa kabilang linya.
"Sige tol, see you." sabi na lang ni Seth at ibinaba ang tawag.
Dumaing si Daniel at ipinikit ang mga mata. Grabe ang sakit ng ulo niya, nahirapan siyang makatulog kagabi sapagkat marami siyang iniisip.
Maraming bumubulabog sa isipan niya. Una ay si Kath, pangalawa si Julia at pangatlo ay naalala niyang magsisimula na ang finals nila sa susunod na linggo. Mas lalo pang sumakit ang ulo niya, hindi pa siya nakakapag-aral.
Isang alaala ang biglang sumagi sa isipan niya.
Nakapag-aral na kaya si Kath para sa finals?
Hindi manhid si Daniel, alam niya kung gaano kasakit ang ginawa niya kay Kathryn.
Ngunit ang katotohanan ay gago siya. Sapagkat alam na niya ang sakit na idinulot niya ngunit wala siyang ginawa upang maibsan ito.
Napamulat si Daniel.
Hindi niya kayang makita na ganoon si Kathryn, nasasaktan at umiiyak. Mas lalong hinidi niya kaya kung siya ang dahilan.
Nasa nature na ng isang lalaki ang manakit ng babae. Pero ang hindi maintindihan ni Daniel ay kung bakit hindi siya gumagawa ng paraan upang maibsan ang sakit na nadarama ni Kathryn. Naguguluhan siya sa sarili niya. Ang alam niya'y wala siyang magagawa upang maging masayang muli si Kathryn, kaya't hinahayaan niya ito.
Alam niyang nangako siya kay Kathryn na hindi siya susuko upang ayusin ang ano mang problema nila, alam niyang nangako rin si Kathryn na hindi siya bibitaw anuman ang mangyari.
Nguniti hindi niya alam kung kaya niyang tuparin ang pangakong ito.
Too many promises are broken.
Masyado nang maraming sakit ang naidulot niya kay Kathryn.
She deserves to be happy.
Napamulat si Daniel dahil sa malakas na katok galing sa labas ng kwarto niya. "Daniel! Tanghali na! Bumangon ka nga dyan!"
Mas lalong humaluyhoy si Daniel ngunit hindi tumigil ang ina niya sa pagkatok sa pinto niya.
"Eto na, Ma! Babangon na! Ang ingay mo!" sigaw niya.
"Bumaba ka na!" ang huli salita ng ina niya bago niya ito narinig na umalis sa tapat ng kwarto niya.
Bumangon siya sa kanyang kinahihigaan. Tiningnan niyang muli ang kanyang cellphone at naalala na may lakad pala siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...