Chapter Three.
"Sino ba kasing may sabing mag-marketing ka kung hindi mo naman pala kaya." I stated, a little too harshly, I guess.
"Kaya ko naman, Kath. Ito lang talaga, please?" he pleaded.
DJ's asking me to do his homework with this Marketing Thingy. I have read his book, so medyo alam ko to.
Take note, MEDYO.
"Yun na nga eh. Kaya mo. Kinaya mo yung past lessons, kaya mo rin to." I firmly said.
Aba, abuso na to. Napapadalas na ang mga favors niya ha.
"Kath naaaamaaaaaaan. Pleeeaaaaaaaase?" he pleaded like a kid.
"Last na to ha." I answered.
"Bibigay rin naman pala. Arte." he said with a smirk.
"Ah ganon? Di wag, bahala ka sa buhay mo." I harshly stated and turned around so my back is facing him.
"Kath, I was just kidding." he said and snaked his arms around my waist.
"Get off me." I said.
Weh, pakipot ka pa. Gustung-gusto mo naman.
"Basta, gawin mo ha?" he said and turned me around so I can face him.
"Bakit ba kasi hindi mo magawa?" I asked with one eybrow raised.
"Basta nga." he just simply said.
"Okay fine. Go away para matapos ko na lahat to so I can have my break. Bye." I said and pushed him outside my room's door.
Hindi ko talaga siya matiis. Hindi ko alam kung bakit.
And saan kaya siya pupunta? It's tuesday night. Ang alam ko, he doesn't do any unnecessary errands on weekdays kasi gusto niyang natatapos niya lahat ng priorities niya.
What's up with him?
Then, I remembered.
He was seeing Julia.
Si Julia ang bukambibig niya for the whole week, since noong nasabi niyang they're "dating".
Mahirap tanggapin pero this is my choice. Choice ko to, kaya wala akong magagawa. Ang totoo, masakit na. Pero kaya ko to. Kinaya kong itago ang feelings ko for 3 years, kakayanin ko ngayon. Dumating ang mga babae sa buhay niya, pero kinaya ko. Wanna know my secret?
Manhid kasi siya.
Kahit na ako lagi ang nasa tabi niya, kahit na ako ang laging nagsasakripisyo para sa kanya. Kahit na masakit na, gagawin ko pa rin ang lahat sa kanya.
Hindi niya kasi alam na kahit simpleng halik lang niya sa pisngi ko, nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Kahit isang segundo lamang na pagsagi ng kanyang kamay sa kamay ko, gustung-gusto ko nang magsisigaw.
Kahit na joke lang niya yung pagsabi niyang mahal na ako, para sa akin totoo yun. Kasi umaasa ako. Kasi tanga ako.
Hindi niya alam na lahat nang ginagawa niya, lahat lahat. Para sa akin, totoo.
Tanga na kung tanga, basta mahal ko siya.
Hayyy, Kath. Tama na. Tapusin mo na yang homework niya para malaman mo kung saan siya pupunta o anong ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
FanfictionKeeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile. Her love for THE Daniel Padilla is surreal, no...