HG33. Yellow roses stuffed toy and stars.

55.7K 975 241
                                    

[I suggest you to play any romantic song you want.

Chapter Thirty-Three

February 14, 2014. 11: 54 am.

"Kath naman, sige na. Payag ka na." pangungulit ni Katsumi.

"Kats, hindi ko kasi gusto yang plano mo." sabi ko habang naglalakad.

Katsumi is practically following me everywhere since I got here in the school. Sa klase ko, hinintay pa talaga akong lumabas sa room.

"Kath, sige na please! Minsan lang naman akong humihingi ng pabor sa'yo eh." Katsumi pleaded once again.

"I don't like the idea of fake kidnapping. Childish, common, cliché, corny." Sabi ko at patuloy na naglakad, sumunod naman si Kats.

"Ang bitter mo. Hindi childish yun, hindi common at cliché at mas lalong hindi corny! Sweet yun, Kath!"

"Hindi nga sweet. Parang inooverdo mo, Kats. You know girls, even the littlest sweet thing you'll do, maaalala at maaalala namin."

"You don't get it, Kath. Gusto kong mag-effort kay Daezen. Kasi I promised myself na from the day na naging kami, liligawan ko pa rin siya." ANG CORNYYYYY.

"Tsss, ang corny talaga." Sabi ko ulit.

"Sweet yun, uy! Di mo lang naaappreciate kasi forever alone ka." Sabi naman ni Kats.

"Aba, gago ka ha. Hindi na talaga kita tutulungan." Mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Uy, Kath joke lang. Ito naman di na mabiro." Sabi niya at hinabol ako.

"Che." Sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Kath, minsan lang akong magrequest. Sige na please." Pagmamakaawa niya ulit.

Sa totoo lang, papayag naman ako eh. You all know me, hindi ako marunong umayaw. Gusto ko lang pagtripan si Katsumi.

"Kapag si J, oo agad. Tapos.... kapag ako, kailangan pa nang maraming suyuhan. Hmp." Talagang magbarkada si Kats at DJ. Kita niyo ang bilis magtampo.

"Oo na nga. Basta pakainin mo rin ako. Chocolates din ha?" sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga, ang hilig mo sa chocolates. Oo, hindi ko kakalimutan ang chocolates mo." sabi ni Katsumi at niyakap ako sabay takbo paalis.

--

Naglalakad ako ngayon papunta sa Parking Lot. Nagtext kasi si DJ, sabi niya may pupuntahan daw siya at kailangan niya ng kasama.

"Kath! Ang tagal mo talaga!" sigaw agad ni DJ, hindi pa ako nakakarating sa kotse niya. He approached me and grabbed my bag tapos hinila- oo, hinila- ako papasok sa kotse niya.

"Wow ha! Bakit ka ba nagmamadali?!" tanong ko sabay hatak sa sarili kong kamay.

"Basta nga! 4 na oh! Late na ako sa reservation!" sabi naman niya. Natigilan ako dun.

"Reservation? Anong reservation?" tanong ko.

DJ sighed. Naiinis na to.

"Sa isang restaurant malapit sa subdivision. Wag ka na ngang magtanong, naipaalam na kita kay Daddy." sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok naman ako.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon