HG40. Whatever floats your boat.

38.6K 673 45
                                    

Chapter Forty

March 4, 2014. 5:23 pm.

"Ugh! Nakakainis na!!!!" I threw my things on the table with so much frustration.

"Kalma lang, 'nak. May problema ba?" tanong ni Daddy.

"Wala, Dad." I answered coldly. Hindi ko kasi alam nakauwi na si Daddy. Ang aga pa eh.

"You can tell me anything, princess. What's wrong?" he asked.

"Nakakainis kasi siya, Daddy." I huffed.

"Sino? Si DJ na naman ba?" tanong niya.

I slightly nodded.

"Ano na namang nangyari? Okay naman kayo kahapo ha? Tsaka kaninang umaga. Sinundo ka pa diba?" he asked.

"Hindi ko rin alam, Daddy. Napakabipolar." sabi ko.

"Can you at leaset tell me what happened?"

"Ganito kasi yun..."

9:32 am.

"Babe, sabay tayong maglunch?" he asked.

"Ay oo nga pala, I forgot to tell you something last night." sabi ko naman. "Mamayang lunch eh may pupuntahan kami nung classmates ko. Bibili ng details at sequins."

"Ha? Lunch talaga?" tanong niya.

"Oo babe. Tsaka after lunch, babalik kami dito." sagot ko naman.

"Di ba pwedeng after lunch na lang kayo pumunta? Para sabay tayong maglunch." sabi niya.

"Kulang na kasi kami ng time babe eh. Nagcracramming na kami. Kailangang tapos na namin yung mga damit by tomorrow." sagot ko.

"Bakit kasi kayo nagcracramming?"

"Kasi nga babe walang time." I answered with a hint of annoyance in my voice.

"Anong walang time? Eh laging yan na lang ang ginagawa niyo?" he asked.

"Babe, two week lang ang ibinigay sa amin. Hindi namin kaya yun." sabi ko.

"Anong hindi? Eh pati Saturdays sila ang kasama mo?" he asked again.

"Eh anong point mo, DJ? Kasama ko sila pero nagtratrabaho naman kami ah." Naiinis na ako.

"Eh bakit may nakita akong post ng isa mong kasama sa Instragram? Naglalaro kayo ng charades." Paano niya nakita?

"Lunch break namin yun babe." I answered honestly. Totoo naman eh, tsaka idea nun ni Hannah. Talagang bored kami noon at kailangan naming gumawa ng kahit ano bukod sa pananahi ng damit dahil mababaliw na kami.

"Yun na nga eh, imbes na naglaro kayo, sana tinapos niyo na." sabi pa niya.

"Ano bang point mo dito, DJ?!" My voice raised unintentionally. Naiinis kasi ako.

"Ang dami nyong time pero di niyo ginamit nang maayos!"

I immediately stopped walking.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon