PROLOGUE
Paano kung sa di inaasahang pagkakataon
As in, hindi talaga inaasahan--napadaan ka lang naman eh,
Ay may narinig kang isang bagay...
Isang bagay na sobrang nakakagulat--
Na parang gusto mong ipagsabi sa buong mundo
Kaso nga lang
May nangyari, na hindi mo inaasahan…
Magiging ala-loudspeaker ka pa rin ba
O ititikom mo ang maingay mong bibig at pipiliin mong ibaon lahat ng nakita mo sa limot.
Chapter 1
(The eavesdropping princess' POV)
“Miss….”
“Miss, sandali lang…”
Sigaw ni Rafael Quinto ang Cassanova/Heartthrob ng Celesta Academy sa akin, isang normal na babae na medyo clumsy. Nakakagulat. Sobrang hindi inaasahan.
Kasi kung iisipin, hindi naman talaga bagay. Lalo na para sa mga taong matatabil ang dila at chismosa na laging minomonitor ang target nitong lalakeng to. Isang no one nalagay sa list ng Prinsipe--Imposible.
Pero, tignan mo ngayon, anong nangyayari?
Oo, nakakatuwa kung iisipin mo. Nakakakilig. Isang kwento ng prinsipe at normal na babae. Parang isang fairytale o kaya storyline ng isang telenovela.
Kaso lang--
Ng mga oras na to
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...