Forget

1.1K 34 0
                                    

"Hindi ba to nakakalason?" nakangiwing tanng nito habang nakatitig na arang nangdidiri sa niluto niya.

Boset lang. Sarap isapak sa bibig niya yung ulam! Kanina pa yan.

"Wag mong kainin kung ayaw mo" Inis na kinuha niya ang mangkok na naglalaman ng niluto niya at pumunta sa lababo.

nakakainis! Siya na nga tong pinagluto siya pa magrereklamo.

"San mo dadalhin yan?" takang tanong nito at kaagad siyang nilapitan

"Itatapon ko nakakahiya naman sayo baka mafood poison kapa" masungit na sagot niya at akmang itatapon na sana ang laman ng mangkok ng agawin nito iyon.

"Don't. I'll eat this" anito na ikinabigla niya

"baka mafood poiuson kapa" kunway galit na angil niya pero tinalikuran na siya nito at muling naupo sa kinauupuan nito kanina.

"You cook this for me so i will eat this. Im just teasing you wife" naiiling pa nitong turan.

Nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi nito. tahimik na bumalik na siya sa kinauupuan at pinagmasdan itong kumaen.

Sa totoo lang ay hindi naman masama ang lasa ng mga niluluto niya sadyang hindi lang papasa ang itsura pero okay naman ang lasa. Ang lalaki kase ang lagi niyang taga trikim sa mga niluluto niya noon at ito din ang nagturo sakanya sa pagluluto.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. He's eating quietly habang siya at pinagmamasdan lamang ito.

Para kailan lang ... pinangarap niyang makasama sa pagkain ang binata, makatabi sa pagtulog at --- Nah. Matagal na siyang nag give up.

Simula ng malaman niyang hindi siya -- kundi ang ate niya ang gusto nito. 

She was Seven year's old that time.

"Aray" naiiyak na daing niya ng malakas siyang itulak nang kaklase niyang lalaki. 

Bully ang mga ito at isa siya sa madalas pagdiskitahan ng grupo.

"Aw masakit ba? Ibigay mo na kase samin ang pera mo" nakangising turan ng mga ito ngunit umiling lamang siya habang impit na umiiyak.

She's weak. 

At wala sin namang nagtatangkang ipagtanggol siya dahil takot ang mga itong mapagdiskitahan din, wala ding alam ang parents at mga teacher niya tungkol sa pangbubully sa kanya ng mga kaklase. 

Ayaw niya lang ng gulo. 

"Gusto mo ba talagan g masaktan pa?" sigaw sakanya ng kasama nito.

bakas na ang takot sa kanyang mga matang hilam sa luha. 

"Matigas ka talaga huh" Nginisian siya nito, nanlaki ang mga mata niya nang makitang iniabot ng kasama nito dito ang isang timba na may mabahong amoy.

W-what was t-that --

SPLASH

"HAHAHAHAHA Yan nababagay sa isang katu --" 

*BOGSH*

nakarinig siya ng tilian, alam niyang nagkakagulo na pero hindi siya nagabalang imulat ang mga mata. Tuloy lang siya sa pag-iyak.

Putik ang ibinuhos sakanya kaya ngayon ay ang dumi-dumi na niya at ang baho-baho. Alam niyang sobrang nakakaawa na ang itsura niya.

"Sino kaba?" dinig niyang sigaw nung nagbuhos sakanya ng putik pero wala siyang narinig na sagot sa halip ay naramdaman niyang lumutang siya kaya dahan-dahan siyang nagmulat.

One ...

Two ...

Three ...

Maamong mukha ng isang lalaki ang kanyang namulatan. Nilingon siya nito at nginitian.

Iyon ang una nilang pagkikita. Unang beses na tubibok ng mabilis ang kanyang puso. He is my first love.

Doon din nagsimula ang mga pangarap niya na nauwi lamang sa paglimot. they are not destined to each other, iyan ang lagi niyang isinasaulo.

Count One two ThreeWhere stories live. Discover now