Indenial

985 23 0
                                    

"Eh bakit mo nga ba kase iniiwasan?" Nakataas ang isang kilay nito sakanya.

"Naiilang ako?" alanganing sagot niya kaya mas tumaas pa ang isang kilay nito.

"ANong klaseng sgaot yan, patanong!"

She sighed. 

Tinitigan niya ang kanyang pancake na hanggang nagyon ay wala pa ding bawas samantalang si lily ay nakakatatlong order na.

"I-i dont know. Para kasing nagui-guilty ako na ewan eh."

"Dapat lang naman siguro? You're being unfair simula't sapul, Alex" anito.

"Isa pa eh naguguluhan ako sa mga sinabi ni ate"

Takang tinitigan siya nito, "Like what?"

Isinalaysay niya rito lahat-lahat ng naging pag-uusap nila ng kapatid. Nanlaki ang mga mata ng kanyang kaibigan.

"Manhid ka nga kase."

"Lily naman --"

Hindi siy nito pinatapos, "Shunga mo girl bakit kase itinatanggi mo pa eh obvious naman na may feelings sayo yung asawa mo!"

Ipinilig niya ang kanyang ulo, "A-ayoko ng umasa, lily."

"Hindi masamang umasa, kung may aasahan ka naman talaga."

"H-hindi niya ako mahal --"

"Pero mahal mo siya!" She cut off.

Napabuga siya ng hangin. there's no use of lying about that, pero ayaw niyang bigyang pansin ang nararadaman. Natatakot na siyang masaktang muli at maiwang luhaan.

"Hanggang kailan mo ba balak itago yang nararamdaman mo?" malungkot na tanong sakanya ng kaibigan.

Umiling siya, "Hindi na niya kailangan pang malaman." matagal na siyang nakapagdecide na supilin ang kanyang nararamdaman. Mukhang wala din naman itong patutunguhan eh.

"Ang hirap sayo , mashado kang nega nga pala, iniinvite tayo ni Charles ngayon sa bahay niya."

Huh? Si charles? 

"Bakit daw?"

Saglit lang siya nitong sinulyapan at muling itinuon ang pansin sa  cellphone nito,"Namimiss na daw niya tayo."

Namimiss niya na din ito at the same time ay nagui-guilty siya dahl hanggang ngayon ay wala pa itong alam tungkol sa pagpapakasal niya. Maybe this is the right time to tell him, right? I know he would understand me.

"Okay, I'll go." sagot niy na siyang ikinalingon nito.

Umarko ang isang kilay nito, "Hindi ka man lang ba magpapaalam sa asawa mo?" 

Papaalam? Psh. Siya nga di nagpapaalam kung san siya pupunta saka for sure naman di ako papayagan ng isang yun.

"Kailangan paba yun?" Nakangusong tanong niya.

"Malamang, mag-aalala yun nuh."

ASA!

"Psh." nakasimangot na kinuha niya sa loob ng kanyang bag ang cellphone ng asawa, hanggang ngayon kase ay ayaw pa nitong ibalik ang kanyang phone.

Matapos ang tatlong ring ay sinagot na nito ang kanyang tawag.

[Miss me wife?]

"Miss your face, Gagabihin na ako sa pag-uwi --"

[Why?]

"May pupuntahan kami ni Lily after class kaya wag kana ding magsundo --"

Toot Toot

Kumunot ang kanyang noo at tinignan ang kanyang cellphone. Kung mamalasin ka nga naman oh ngayon pa nalowbat. Nakalimutan niya pala iyong icharge kanina bago siya pumasok.

Nasabi naman na niya na gagabihin siya kaya okay na siguro iyon. Muli niyang ibinalik ang cellphone sa loob ng bag.

"Oh ano daw?"

Nagkibit-balikat siya, "Nalowbat bigla eh. Hayaan muna nasabi ko naman na gagabihin ako sa paguwi."

"Ikaw bahala" 

Umayos na isla ng upo dahil dumating na ang huli nilang prof. Payag naman siguro ang asawa niya diba? 

Count One two ThreeWhere stories live. Discover now