Pagpasok ni Maxi sakanyang opisin ay naiwan niyang bukas ang kanyang pintuan kaya naman kitang kita si Ivan sa loob gayun din naman kitang kita ni Ivan sa labas maging ang opisina ni Alex..
Ilang sandali habang nakaupo si Ivan ay may narinig siyang bumukas na pintuan..
Dahan dahan siyang sumilip sa labas ng Makita niyang mabilis na nag lakad si Alex patungngo sa Rest room..
kaya naman...
Ivan: ahh Maxi??? san ang CR mo ditto??
Maxi: ahmm dun sa right side sa tabi ng conference room..
Ivan: sige CR muna ako ha..
Paglabas ni Ivan sa opisina ay nakaramdam itong panlalamig ng kanyang mga kamay.. habang papalapit na siya sa CR ay naninigas ang kanyang kamao na para bang gustong manuntok,
Naalala nito yung araw na Nakita niyang sumakay ng kotshe si Alex na may kasamang ibang lalaki.. at naalala niya rin yung mga sinabi sakanya ng kanyang Ina tungkol sa panloloko sakanya ni Alex..
Hindi naman talaga mag C-Cr si Ivan..
tumayo lang ito sa labas ng comfort room ng mga babae.. sumandal ito sa pader at inantay nitong lumabas si Alex..seryoso ang mukha ng binata ..hindi na naalis ang kanyang mata sa harap ng pintuan.
Nang matapos na umihi si Alex ay tiningnan niya ang kanyang mukha sa salamin..
Alex: kailangan mo siyang harapin Alex! Para matapos na okey?? SMILE.. kahit na anung mangyare smile lang ng smile okey???
Nag lakad na ang dalaga patungngo sa pintuan kumuha muna ito ng tissue at ipinunas nito sa kanyang mukha habang dahan dahan na nga nitong binuksan ang pintuan ng CR..
Pagbukas nito ay nakatingngin ito sa baba habang nag pupunas ng kanyang noo..
Nang Makita niya ang sapatos na pang lalaki sa harap niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya naman dahan dahan nitong tiningnan pataas.. nang Makita niya ang pantalon ay mas kinabahan siya hanggang sa makita niya na ang suot na damit pang taas..
Hanggang sa nabitawan na ni Alex ang hawak niyang tissue ng Makita ang lalaking nakatayo sa harap ng restroom..
Hindi alam ni Alex ang kanyang gagawin.. hindi niya maigalaw ang kanyang katawan, nanlalamig ang kanyang mga paa at kamay.. ang tagal ng kanilang pag tititigan..
Hanggang sa hindi na napigilan ng dalagang wag mag salita..
Alex: ahhh.. IIIIIVAN????
Ivan: buti naman kilala mo pa ako.? Akala ko nga mag tititigan nalang tayo??
Alex: ahmm.. pasensya ka na.. ano kasi..
Ivan: pasensya?!!!! (biglang napataas ang tono ng boses ng binata)
Nagulat si Alex ng marinig ang sagot ni Ivan sakanya..
Alex: ahmmm alam kong galit ka..
Hindi pa nga natatapos ni Alex ang kanyang sasabihin ng bigla siyang hawakan ng mahigpit ni Ivan sa magkabilang braso..
BINABASA MO ANG
"The Playboy with Sweetest Revenge"(Book2)Complete
RomancePlease do read first po yung BOOK1 nito para makasabay po sa Story.. -Will Love Win?? hanggang kelan ni Ivan kayang ipaglaban si Alex?? will Alex Stay?? or hahayaan niya nalang si Ivan dahil sakanyang situation..?? papano kung mawala nalang bigla...