Nang muling umubo ang binata..
Halata sa mukha ni Alex na nag aalala din ito sa dating kasintahan pero dahil sa inis at Pride nito ay hindi niya pa rin inimikan..
Hanggang sa hindi nila namamalayan na nakatulog nalang silang dalawa sa upuan..
Maya maya ay may bumaba na sa hagdan at nag check out.. linapitan ng bantay ang dalawa at nakita ng bantay kung anu ang itchura ng dalawa..
Tulog na tulog si Alex sa dibdib ni Ivan at nakayakap naman ang binata sa dalaga.. dahil sa kapilyuhan ng bantay ay kinuhaan niya ng ritrato ang dalawa..
Nang mag flash ang camera ay biglang na gising si Ivan..
Nagulat ang binata na nakahiga na sakanyang dibdib si Alex at naka yapos siya dito kaya naman naitulak niya ang ulo ng dalaga papalayo sakanya..
Sa lakas ng pag kaka tulak nito kay Alex ay nauntog ang dalaga sa bintana kaya naman..
Alex: ARAY!!!! BAKIT KA BA NANUNULAK?!!! INAANU!! KITA!! (habang hinihimas nito ang kanyang ulo)
Magsasalita sana si Ivan ng bigla nilang marinig ang sinabi ng bantay..
Bantay: may vacant na..
Alex: talaga po?? sige kunin ko na po..
Ivan: teka ako ang na una ahh.. diba dapat aalis ka tapos ako mag rerent ng room??
Natigilan si Alex dahil sa yun naman talaga ang plano..
Kaya naman hinayaan niya nalang si Ivan na kunin ang kwarto..
Habang papaakyat si Ivan sa Hagdan ay tiningnan niya pabalik si Alex na naka upo sa bamboo sa chair..
Nakita niyang kumuha ng jacket ang dalaga at ilinagay sa upuan, kumuha rin si Alex ng balabal para gawing kumot iyon, sabay nahiga nalang ang dalaga.. at dun nalang mag palipas ng gabi..
Nang makaakyat na si Ivan ay may tinanong ito sa Bantay na sinamahan siya sakanyang kwarto..
Ivan: hindi naman kayo mag clo-close diba??
Bantay: ayy hanggang 12 lang kami.. mamaya mag clo-close na ako.. wala akong kapalitan ehh..
Ivan: pag nag close ka pano sa baba??
Bantay: close lang yung entrance and exit pero yung pera and all naka tago na kukunin ko.. wala naman silang nanakawin diyan ehh kasi puro lang yan Vase..
Ivan: may mag nanakaw dito???
Bantay: OO ilang beses na rin tinangka may mag nakaw dito sa shop pero hanggang sa baba lang sila hindi sila makaakyat dito sa hagdan dahil may gate tayo sa hagdan sinasarado ko yun eh.. teka bakit ba ang dami mong tanong???
Ivan: ahmm wala naman..
Bantay: wehh?? yayain mo nalang kasi matulog dito sa kwarto mo dalawa naman ang kama ohh.. (sabay bukas ng kwarto)
Ivan: ha?? anu bang sinasabi mo??
Bantay: nag mamaang maangan pa.. kung kanina nga pinigilan mong umalis.. ngayon pa kaya na alam mong maiiwan diyan sa baba..
Ivan: ginusto niya yan bahala siya.. sige pasok na ako..
Pag pasok ni Ivan sa kwarto ay nag palit na ito ng pang tulog..
BINABASA MO ANG
"The Playboy with Sweetest Revenge"(Book2)Complete
RomancePlease do read first po yung BOOK1 nito para makasabay po sa Story.. -Will Love Win?? hanggang kelan ni Ivan kayang ipaglaban si Alex?? will Alex Stay?? or hahayaan niya nalang si Ivan dahil sakanyang situation..?? papano kung mawala nalang bigla...