Pag pasok nito ay agad nahiga nalang binata sabay nag isip isip..
Nang bigla niyang maalala ang cellphone ni Alex na kanyang tinagoi..
Kinuha niya ito sakanyang Bag at sabay binuksan habang naka higa sa kanyang kama..
Ivan: hayy may password....
Inisip ng binata kung anu ba ang password ni Alex.. sinubukan ng binata ang birthday, pangalan ni Alex lahat lahat.. kahit nga Birthday niya hindi rin ehh.. hanggang sa...
Ivan: hmmm (sabay type sa cellphone ni Alex ng H.A.V.E)
Napangiti nalang ang binata ng biglang na unlock niya ang cellphone ni Alex..
Ivan: HAVE pa rin pala ang ginagamit mo hanggang ngayon.. (napangiti nalang ang binata habang iniisip ni Ivan ang kanilang tawagan dati ni Alex)
Tinitigan ni Ivan ng maigi ang Wallpaper ni Alex
Ivan: ang ganda mo talaga Alex..
.. hanggang sa mapansin niya ang isang application sa cellphone ng dalaga..
Ivan: Therapy.???
Binukasan ng binata ang application na ito ng makita niya ang isang Album..
Ivan: USA days.. Therapy Days..???
Pag bukas niya ng album ay may nakita siyang mga ibat-ibang Nurse, at mga photos na kuha sa ibang bansa..
Ivan: umalis siya ng bansa???
Scroll ng Scroll ang binata hanggang sa may nakita siyang picture ng Legs na may bandage na naka upo sa wheel chair.. Nung binuksan niya ito ay nakita niya ang kamay na naka patong sa Legs na may hawak ng cellphone habang nasa wheel chair pero hindi niya naman makita ang mukha dahil yung legs lang ata talaga ang pinapakita..
Ivan: parang cellphone to ni Alex ahh.. at kamay niya ba to?? (hanggang sa para may naanigan siyang singsing sa kamay..)
Papalakihin sana ni Ivan gamit ang ZOOM sa picture ni Alex ng biglang na lowbat ang cellphone ng dalaga..
Ivan: anu ba yan!!
Napaisip bigla ang binata..
Ivan: Si Alex ba yun?? bakit nasa wheel chair siya?? hayyy.. kahit anu ang iniisip mo Ivan!! matulog ka na nga diyan!!
Hanggang sa nakatulog na nga ang binata..
Kinabukasan ay maagang nagising si Alex.. Pakatapos niya maligo ay naalala niya na naka charge pala ang cellphone niya sa baba.. kaya nag madaling lumabas ang dalaga ng kanyang kwarto..
Laking gulat ng dalaga ng makita niyang nasa baba na si Ivan nag kakape kausap ang bantay..
Bantay: GOODMORNING..
Alex: ahh MOrning kuya,,(sabay punta malapit sa bamboo chair na hinigaan niya kagabi)
Napansin ng Bantay na para bang may hinahanap si Alex..
Bantay: may hinahanap ka??
Alex: ahmm opo eh.. nakita niyo po ba yung cellphone ko?? chinarge ko lang po yun dito kagabi ehh..
Bantay: ay sorry hindi ehh.. tanung mo tong si pogi baka nakita..
Tiningnan ng masama ni Alex si Ivan habang umiinum ng kape..
BINABASA MO ANG
"The Playboy with Sweetest Revenge"(Book2)Complete
RomancePlease do read first po yung BOOK1 nito para makasabay po sa Story.. -Will Love Win?? hanggang kelan ni Ivan kayang ipaglaban si Alex?? will Alex Stay?? or hahayaan niya nalang si Ivan dahil sakanyang situation..?? papano kung mawala nalang bigla...