TSH - Chapter 2

130 19 9
                                        



DEAL

Nichole's POV


"ANO!?"

Kinuha ko ang isang baso ng shake sa lamesa at ininom ito. Tinignan ko silang dalawa at tumango.

"Masarap ba yung labi niya?" sinamaan ko ng tingin si Roger dahil sa tanong niya.

Agad kong tinapon sakanya ang straw ng shake.

"Tumahimik ka nga Roger. Nakakaderder ka!" sabi ko at umirap. "Oo nga. Pero anong ginawa ulit ni Jenna at Jerome?"

Nilapag ko ang baso sa lamesa.

"Ah yun ba? Wala namang importanteng sinabi si Jenna. Sinabihan niya lang naman kami na malalaswa. Parang nagunaw ang mundo ko, rinig na rinig ni Jerome at nadungisan talaga ang pangalan ko. Hayst! UMIINIT TALAGA ANG DUGO KO BASTA NAPAGUUSAPAN YUN."

Pinagtawanan nila akong dalawa. Bahala nga kayo dyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at in-open ko ang facebook ko. Scroll-scroll konti sa news feed ng biglang tumunog ang notification.


1 new friend request from Manuel Regatta


Bahala siya. Hindi ko yan ia-accept, di kami bati. Nakakahiya yung nangyari kanina T_____T


1 new message request from Manuel Regatta


Aba't ang kapal talaga ng mukha.


Manuel Regatta: Hi miss. Paki-accept naman ng friend request ko.

Accept | Decline


Jusko. May balak bang maging jejemon tung lalakeng to? Napaka-famewhore! Ma stalk nga.

Clinick ko ang account name niya at ang unang bumungad sakin ang profile picture niyang kita ang abs. Haaaay jusko. Nag patuloy ako sa pag scroll ng makuha ng atensyon ko ang latest status niya.


Manuel Regatta: Ayaw akong i-accept ng taong mahal ko </3

3 minutes ago

Comments:

Unknown: Sino???

Unknown: Kainggit naman :((

Emma Marie: Kilala ko kung sino <3

Roger Roger: Nichole Alvuena


Roger Roger mentioned you in a comment.


Agad kong tinignan sila Emma at Roger. "Ano tung pinag-gagagawa niyo!?"

Sunod-sunod ang mga notifications ko. Dumami rin ang nag fri-friend request sakin. Sikat ba tong si Manuel!?


1 new message request from Manuel Regatta

Manuel Regatta: Pwede ko silang patigilin sa pag add sayo.... kung ia-accept mo'ko.


Nai-imagine ko pa lang ang ngiti ni Manuel ngayon, ang gwapo, hindi! Siguro ang saya saya niya na napapagtripan niya ako. Langya!

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon