TSH - Chapter 27

30 1 0
                                    

BAR

Nichole's POV



"Jusko Jenna! Bilisan mo!"

Umalis kami ng condo na tinutuluyan ko. Tinabihan ko ang inis na si Roger sa napakabagal na Jenna. Siniko-siko ko siya.

"Okay, I'll be calm." ngumiti siya sakin at iniwas ang tingin niya bago bumalik sa busangot niyang mukha. "Tsk."

Pumasok ako sa taxi na kakakuha lang ni Zach. Pagkaupo ko sa loob ay napansin ko agad ang cap ni manong driver. Ba't may cap sa loob ng taxi?

"Saan po tayo?" tanong niya. Sa front mirror lang siya nakatingin pero alam kong sa akin yun papunta. "Ah, sa Dark Lanterns Bar po kuya" sinagot siya ni Emma. 

Maya-maya ay nag simula na siyang magpaandar ng taxi. Nakinig lang ako sa mga pang 80's na tugtog ng radyo at nakiki-jam na rin ako. 

Kapansin-pansin ang pagkawala ng mga street lights. Malayo-layo ka pa ay kita mo na ang mga disco lights na lumalabas ng bar, sikat nga to. 

"Nandito na tayo" napatingin ako kay Manong Driver ng mag salita siya, saktong hinubad niya ang cap. Sobrang pamilyar ng mukha niya na parang nakita ko na siya dati. 

"Ako na lang po ang mag babayad kuya..." inilahad ko sakanya ang 100 pesos para sa 91 pesos na metro. "Wag na, may sobra kapa sakin 5 years ago iha" ngumiti siya at hindi tinanggap ang binayad kong pera. "Eh kuy--" siya na mismo ang sumara ng pintuan ng taxi at nag simulang mag maneho paalis. 

Dahan-dahan akong tumalikod at sinundan ang mga kasama kong nauna na sa paglalakad. "Too slow -_-" Inis akong tinignan ni Jenna. "Wow naman, nag salita ang mabilis kumilos" inirapan ko siya. 

Hinila ng mga bouncer ang entrance door at roon ay rinig na rinig ko ang malakas na musikang nanggagaling sa loob. Pati dibdib ko'y kumakabog rin at sumasabay rito.

Patakbo kong sinundan ang mga barkada ko ng dahil sa excitement. Sinundan ko silang pumasok sa isang VIP room, mas galante itong tignan kung ikukumpara mo sa labas na bahagi.

"OHMYGHAD" Nabigla ako sa biglaang pag sigaw ni Emma sabay sayaw sa malakas na music. Sumunod sakanya ang iba habang si Zach ay umupo sa pinakadulong round couch. 

Umupo ako sa tabi ni Zach at kumuha ng isa sa mga naka-desplay na na iba't ibang drinks sa mesa.  "Don't drink to much!" rinig ko parin ang marahang pag sigaw ni Zach ng balaan niya ako. "Its fine, Zach" tinaas ko ang isang baso at nilagok ito, dire-diretso.

Sinundan ko pa ito ng ilan pang baso. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang biglaang pagkahilo at ngisi sa mukha ko.

Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao papunta sa dance floor. "LOUDER! LOUDER!" bigla akong sumigaw na sinundan naman ng iba pang kasama ko sa loob. 

Nagsimulang lumakas ang music sa gitna ng dance floor. Alam ko sa sarili kong hindi ako lasing pero hindi ko mapigilan ang pagsimulang gumalaw ng katawan ko.

Kahit medyo hilo ako, alam kong sumasabay pa rin ako sa tyempo. Patuloy ako sa pag galaw at wala akong naramdamang pagod sa ginagawa ko kahit na marami na akong natatamaang tao.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon