TSH - Chapter 13

53 8 0
                                    


GRADUATION
Nichole's POV

...kriiing...kriiing...kriiing...

Nakita kong tumunog cellphone ni Manuel.

Manuel: Hello? Mom. Yes, I'm with her. Of course ma, okay bye.

Binaba niya ang tawag at tinignan ako. Kababalik lang din ni Emma at Roger sa pag o-order ng pagkain.

"Ngayon pala yung dinner natin." Agad niyang sabi. Kinabahan ako bigla. "HUH!? Bakit di mo sinabi? Baka magalit satin sila Mama!"

Tumayo siya at naglakad papuntansa isang botique malapit sa restaurant na kakainan sana namin.

Umupo ako sa bench na nasa loob lang ng boutique at hinintay siyang makapili ng susuotin ko at ng sakanya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakapili na siya, binayaran niya muna bago nami suotin doon sa loob ng fitting room.

Matchy matchy kami ngayon ng suot, dark blue mini dress yung kinuha niya sakin at dark blue tie naman yung suot niya.

"Kanino natin ipapadala tung mga damit natin?" Tumahimik siya at parang nag-iisip. "Nasa resto pa ba sina Emma? Ipadala mo na lang sakanila."

Tinawagan niya sina Emma at pinapunta sa Parking Lot at isama narin yung kambal. Pumunta kami ng parking lot at dun hinintay ang dalawa. Biglang may nag text sakin.

"Nasaan ka na? Ian to" tinignan ko si Manuel pero hindi siya nakatingin sakin.
"Nasa mall pa."
"Sinong kasama niyo?" Napangiti ako sa tanong niya.
"Sina Emma at Roger. Wag kang mag-alala, paalis na kami"

Di na siya nag reply sa message kong yun. At sakto namang dumating ang dalawa.

"Nakikiusap lang kami huh? Please. Ililibre ko na lang kayo sa susunod." Dun ko lang napansin na nag uusap na pala sila kaya sumingit na ako. "Kailangan na talaga naming umalis, ito oh pamasahi niyo. Mag enjoy kayong dalawa jan sa loob."

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at mukhang si Manuel ang magmamaneho ngayon. Alangan namang ako diba? Dapat senyorita ang peg ko ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko sa purse at in-open ko ang facebook ko. Icha-chat ko na sana si Mrs. Regatta pero di pala kami friends.

"Ichachat ko Mama mo kaso di kami friends, pahingi ng FB account mo." Natahimik siya sa sinabi ko. "H-huh? Wag na!" Kinurot ko siya sa bewang kaya sinabi niya na ang email niya. "Password?"

"Ako na lang." napairap ako. "Nag mamaneho ka, ano na kasi?" Iniwas niya ang tingin niya sakin. "Ano... ahhmm---frvrgwapo"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Pffft---HAHAHAHAHAHA... ANONG KLASENG PASSWORD YAN? HAHAHAHA."

Kaya pala hindi niya masabi sabi sakin HAHA! Natatawa parin ako habang ino-open ang chat box nilang dalawa. Matapos kong ma send ang message at nakuha ng atensyon ko ang chat box nila Jenna. Ma-open ng---

"Nandito na tayo." Napatingin ako kay Manuel. Matapos kong ma log-out ang account niya ay pumasok na kami sa isang bahay.

"Anak! Come. Oh hello Nikki."

Ang ganda talaga ni Mrs. Regatta, yung feeling na kahit may edad na siya ay na me-maintain niya parin yung kagandahan niya, loob o labas man <3

"Hi, Mrs. Regatta." Tumigil siya sa sinabi ko. "Tita na lang iha."

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon