TSH - Chapter 11

37 9 0
                                        


MYSTERIOUS GUY

Nichole's POV


"Anak."

Napatingin ako kay papa ng umupo siya sa tabi ko. Nanonood ako ngayon ng The Legend of the Blue Sea sa iFlix. Heo Jon Jae <3 Hindi sana ako magpapadisturbo.

"Hmmm?" hindi parin ako makatingin sakanya dahil naka focus ako sa laptop. "Malapit na ang graduation mo. Diba pangarap mo dating sa Paris mag college?" 

Kumuha ako ng popcorn sa gilid ko at sumubo.

"Dati po yun papa, gusto ko po sa Korea na. Kyaaaah--Lee Min Hooooo!"

Biglang pinatay ni papa ang pinapanood ko.

"Papa naman eh!" sinamaan niya ako ng tingin. "Seryoso ako, anak."

Bumuntong hininga ako. "Gusto ko po kasing kumuha ng Fashion Designing as course kaso... engaged ako"

"Eh pangarap mo yan diba? Pwede naman nating itigil." napatigil ako sa sinabi niya. Anong tigil-tigil? Boyfriend ko na nga diba? "Hindi nga po ako makapili ng maayos na damit eh -__-"

"May point ka. Hahahaha" tumawa siya ng malakas, agad siyang kumuha sa popcorn ko at mabilis na umalis. "Papa naman eh!"

Lumabas ako ng bahay para mag pahangin sa pool area. Pinag iisipan ko parin hanggang ngayon kung sino ang isasama ko sa Palawan. Wala naman kasi akong mga kaibigang mapapagkatiwalaan maliban kina Emma at Roger.

"Uy, umalis ka dito. Maliligo ako." muntik na akong maheart attack ng sumulpot kung saan si Ian. "Ang kapal! Pool namin to, Ian."

"Bahala ka." Tumalon siya bigla sa tubig kaya't nabasa ako ng konti. "Taena mo." Tumayo ako at umupo sa isa sa mga lounge chairs. Pinanood ko siyang lumangoy langoy dun ng biglang dumating si Jansfer at umupo sa tabi ko.

"Busy ka ba this summer?"

"Why?" inayos ko ang upo ko. "May extra ticket kasi ako papuntang Palawan, sama ka?"

"Talaga? SURE! Teka, sinong kasama?" halata sa mukha niya ang excitement. "Sina Emma, Roger, Manuel, Zach, Jenna at ikaw." pero agad na nawala ang excitement na yun.

"Huh? Ay. Parang ayoko ng sumama. Si Ian na lang isama mo."

Biglang lumapit si Ian saming dalawa na may hawak-hawak na towel. 

"Ang hilig talaga nitong mag hubad ng pang-itaas, wala namang abs." reklamo ko. "Kesa naman sayong walang dibdib. HAHAHA"

Napatingin ako sa hinaharap ko. Omma!

"Meron kaya!"

"Wala ate." dagdag pa ni Jansfer. "Oh diba? Anyways, anong isasama ako?"

"Palawan. Beach, pagkain, at chix." sagot sakanya ni Jansfer. "Sige ako na lang isama mo. Kelan ba yan?"

"After graduation namin."

Hinila ni Ian si Jansfer papuntang pool para ma ligo. Mukhang ang saya-saya nilang tignan. At dahil nga nainggit ako, pumasok ako sa loob ng bahay at nagpalit. Ligo time na!


*****


The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon