UNUSUAL
Nichole's POV
Nagising ako ng mga alas'singko ng umaga. Di ako gumagalaw sa pagkakahiga ko at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Huminga ako ng malalin bago kinapa ang cellphone ko at in-open ito.
Nag-open ako ng facebook pero wala pa sa mga kaibigan ko ang online. Naisipan kong imessage si Manuel kasi ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita, na mi-miss ko na siya. 'Kita tayo sa mall mamaya, 9:00 am. <3'
Nag scroll na ako sa news feed ko kasi alam ko namang hindi niya yun marereplyan. Nag post ako ng isang quote.
I only wanna do bad things to you <3
Ita-tag ko sana si Manuel pero di ko na lang ginawa. Mga ilang segundo lang ang nakakalipas ay ni-like na ito ni Manuel. Tinignan ko ang chat box namin baka nag reply na siya pero.... hindi niya pa sini-seen.
Tumayo ako sa kama at nilapag ang cellphone sa kama, muntik pa akong madapa sa mga box na nakatambay dito. PERO DA EFF? KAHIT SEEN DI MAN LANG MAGAWA?
Napagdesisyonan kong bumaba at kumuha ng pagkain. Hindi pa ako nakakababa ng hagdanan ng makaramdam ako ng masamang aura sa may kusina, nagpatuloy parin ako.
Nang makapasok ako sa kusina ay nakita ko si Lordes. Sarap sabunutan talaga nito.
"Good morning."
Nag patuloy siya sa pagkuha ng gatas at nilagay sa cereal na nakahanda sa gilid ng ref.
"Mag tatagal ka pa dito?" Napatigil siya sa pagbuhos ng gatas. "Sorry, I'm just asking you kno—"
"Wala ka namang alam sa nangyayari sa pamilya mo mismo." Napairap ako sa sinabi niya. Really? "Bakit? Marami na bang tinatago ang pamilya ko sakin? Yung mga liham ni P.A. kung sino man yan siya?"
"May liham?" Hindi ko siya sinagot sa tanong niya. Why would I?
Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig, bumalik ako sa dati kong pwesto. Tinignan niya lang ako na parang hinihintay ang idadagdag ko.
"Dun kaya tayo sa pool? Tapos ilulublob din siguro kita--wag kang mag alala, hindi ko ide-delete ang cctv footage para may ikakadrama ka."
Uminom ako ng tubig at tumalikod sakanya at nag simulang maglakad.
"Bakit di natin subukan?"
Huminto ako sa paglalakad pero di ako humarap sakanya.
"Mmm... wag na siguro, baka di kayanin ng nag aapoy at maitim-itim mong budhi."
Umalis ako sa harapan niya at pumunta sa living room at umupo. In-on ko ang tv at nanood ng maramdaman ko ang malamig na likidong bumabalot ngayon sa katawan ko.
"HOW DARE YOU!?"
Tumayo ako sa pagkakaupo at tinapon sa pagmumukha niya ang hawak kong baso, tubig lang naman. Baka pag sinama ko yung baso eh mas masira yung mukha niya. Hahahaha.
Tininggal ko ang ilang cereal na nakadikit sa mukha ko.
"Para sa edad mo, ang immature mong maglaro"
Aalis na sana ako ng hilain niya ang balikat ko at tinulak dahilan ng pagkakahiga ko sa sahig. Nagsimula siyang hilain ang buhok, napapikit ako sa sakit pero patuloy parin siya.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Novela Juvenil"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"