TSH - Chapter 22

31 7 0
                                    

18th BIRTHDAY

Nichole's POV




Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong kakapasok lang sa kwarto ko. Gusto ko pang mag siesta! Ramdam ko ang sakit ng ulo ko at di ako makabangon kaya tinakip ko sa mukha ang unan na nahawakan ko. Patuloy pa rin sila sa pagsasalita, di ko sila maintindihan.

Emma: HUY BABAITA! Tumayo ka na nga jan!

Ramdam ko ang paghila ni Emma sa nakatakip na unan sa mukha ko.

Emma: Huy! Birthday mo na!

Bumuntong-hininga ako bago bumangon. Masakit pa rin yung ulo ko pero di ko ito pinansin.

Nichole: Bakit ba ang ingay niyo?

Napatigil sila sa pagsasalita at tinignan ako.

Mama: Ohmyghad anak! Nakalimutan mo na bang birthday mo?

Nichole: Gusto ko sanang kalimutan mama.

Nakasuot na silang lahat ng magagarang damit... excited? Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at pumasok sa banyo. Bakit man excited pa sila kesa sakin? Whoo--naghilamos at at nagmumog. Tinali ko ng bun ang buhok ko at lumabas.

Nakita kong may hawak-hawak na damit si Mama habang nakangiti siya. 

Nichole: Ano yan?

Alam mo na ngang damit di ba, Nichole? Bobo ng sarili mo! Hoooo...

Mama: Tada! Ito ang susuotin mo mamaya...

Naghintay sila sa isasagot ko. Eh? Ano ba dapat ang isagot ko? 

Umirap ako at tinignan ang orasan. 5:31 pm na. 7:00 pm ang party ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Manuel. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng makita ko siya. Dapat magalit ako pero bakit hindi ko magawa? 

Manuel: Nasa baba po sina Mama....

Lumabas agad si Mama ng kwarto at pinahawak sakin ang damit.

Mama: Mag bihis ka na! Maya-maya dadami na ang bisita.

Naiwan sa harapan ko si Emma, Jansfer, at Ian. Napaupo ako sa swivel chair habang hinahanda ni Emma ang ilalagay na make-up sa mukha ko.

Emma: Ano na ba yang mukha mo?

Tanong niya habang nilalagay ang moisturizer sa mukha ko.

Emma: Nag-away ba kayo ni Manuel?

Pumikit ako habang bline-blend niy ang foundation sa bandang mata ko. Hindi pa rin ako sumasagot.

Emma: Ngumiti ka nga! 

Nichole: Paano bang ngumiti kapag nasasaktan ka na?

Napatigil siya sa paglalagay ng eye shadow. Maya-maya ay nag patuloy siya sa ginagawa niya.

Nichole: Paano ba ngumiti kapag nahihirapan ka na? Ano na bang pinagsasasabi ko? Bakit ba kailangang ngumiti?

Hindi ako gumagalaw habang inaayos niya ang wings gamit ang eye liner.

Emma: Ngumiti ka, para di nila makita ang mga kahinaan mo.

Nichole: Yun na nga yung kahinaan ko, ang masaktan ng taong akala kong magmamahal sakin ng totoo.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon