TSH - Chapter 5

77 13 1
                                    


SPORTS FEST 1.0

Nichole's POV


Ang halik ng pagmamahal...


1 week na ang nakalipas mula ng makalabas si Manuel ng ospital. Paulit-ulit rin akong nababaliw simula ng halikan niya ang noo ko.

Dalawang beses niya na akong hinalikan sa labi pero iba talaga yung sa noo eh. Pwede namang sa lips. Arrrggg--ano na bang nangyayari sayo Nichole. Ayaw mo siyang halikan pero bakit gusto mo? Baliw kana.

Ngayong araw din pala mangyayari ang Sports Fest. AT OO, kinakabahan na ako sa Mr. & Ms. Campus. SInusukat ko nga ngayon ang biniling damit sakin ni Manuel.

Ba't ba lagi na lang Manuel, Nichole!?

Biglang nag ring ang phone ko at si Roger ang tumatawag.


"Hello?"

"Okay ka lang ba?"

"Oo. Okay lang ako, Roger."

"Okay na rin ang program dito at ikaw na lang ang hinihintay para sa VolleyBall team"

"Hala! Patay, nakalimutan ko may laro pala kami. Sige thank you bes. Bye!"

"Bye"


Nakalimutan kong sabihin na kasali pala ako sa volleyball team. At this year, hindi lang ang school namin ang maglalaban-laban. May iba ring pupunta at makikipag-kompetensya samin.

Naghanda na ako para umalis. Pagkababa ko ay nakita ko agad si Manuel na naka-jersey.

"Oh? Bakit ka nandito?" tanong ko agad sakanya. "Susunduin ka."

Tumango muna ako bago nagsalita. "Kasali ka ba sa basketball team?"

"Oo, kaya dapat mokong i-cheer mamaya."

Hindi ko siya pinansin. Ayoko nga, dun siya kay Jenna niya mag pa cheer, tsk.

Nakarating kami ng campus at nasa parking lot kaming dalawa ngayon. Sabay na naman kaming dalawang papasok. Araw-araw ng ganito kasi "para daw" talagang maniwala silang totoo tung "relasyon" kuno namin.

"Mag re-ready na kami sa game namin. Una kana sa field niyo, try kong humabol para suportahan ang girlfriend ko *wink*"

Sinamaan ko siya ng tingin, nakakasuka!

"Kahit wag ka ng humabol, okay lang. At wag mo nga akong kinikindatan. Nakakadiri ka."

Pinagtawanan niya lang ako kaya't nag tungo na ako sa field. 

May mga nakasalubong akong taga-ibang school na tinaray-tarayan lang ako. ANG KAPAL, fyi nasa teritoryo namin kayo. Pwe!

Pagdating ko sa kung saan kai mag lalaro ay 10 minutes na lang bago ang game. Naisipan ko munang mag stretching sandali ng may lumapit sakin...

"Galingan mo, slut. Tandaan mo, pag natalo ang team natin ikaw ang may kasalanan nun."

Oo, kasali rin si Jenna. Siya ang captain namin. every game, yan lagi ang sinasabi niya. At salamat sa Diyos, wala parin kaming talo.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon