TSH Chapter - 29

29 2 0
                                    

"Zhyler Lohan"

Nichole's POV



"Where are you?"

"Somewhere."

Binaba ko ang tawag at binalik ang atensyon sa pagkaing nasa harapan ko. Inubos ko ang natirang french fries at nilagay sa bulsa ang cellphone.

Tumayo ako dala-dala ang librong binasa ko.

"Excuse me, ikaw po ba si Ms. Francheska?" tinignan ko ang isang babaeng nagsalita. "Yes. Why?" gumuhit sa kanyang mukha ang isang malapad nangiti at nilabas ang cellphone niya. "Fan niyo po ako! Pwede pong pa-picture?" ngumiti ako sakanya at ako na mismo ang humawak ng phone para kumuha ng litrato. Hinalikan ko ang pisngi niya bago siya umalis.

Ilang segundo lang ay may ibang mga babaeng lumapit sakin at nag papa-picture.

Ngumiti ako sa bawat camera na nag fa-flash, alam kong dapat kanina pa ako umalis pero ghad! I can't disappoint them. 

"Give her some space"

May lalaking nilayo ako sa mga nagkukumpulang mga tao at inilabas sa fast food chain. "Thank you." nag pasalamat na ako sakanya kahit hindi ko pa siya natitignan. 

Hindi siya nagsalita kaya't nagtaka ako. Tinignan ko siya na nakasandal ngayon sa kotse ko... umalis ka diyan g*go ka. "Don't. Touch. My. Car."

Ngumiti siya ng malapad at yun ang pinagtaka ko. "What?" mas lumapad pa ang ngiti niya na parang comedian ako.

Inirapan ko siya at binuksan ang pinto ng kotse. Yumuko siya ng konte at kinatok ang bintana ng kotse... matapos mong sandalan, ngayon sisirain mo ang bintana?

Binuksan ko ito. "What do you need? I already said thank you. Not enough?" nilagay niya ang kanyang dalawang siko sa may bintana. "Is that how you treat your fans?" ngumiti siya sakin na nagpatindig ng balahibo ko. "You're creepy."

Sinarado ko ang bintana ng kotse at inayos ang sarili ko. Nag simula na akong mag drive ng may napansin ako. "Where's that book?"

Hininto ko ang sasakyan at binalikan ang lugar kung saan ko pinark ang kotse. And, I am not expecting this idiot standing still at the same spot I left him. Kachar man ng english ko uy.

"Ang sweet mo naman. Binalikan mo talaga ako?"

Inirapan ko siya at bumalik sa loob ng fast food chain. "Welcome back Ma'am, Sir." nginitian ko ang guard kahit inis ako ng napansin kong sinundan ako ng mokong.

Binalikan ko ang inupuan ko kanina. "Sht. Where are you!?"  nagpatuloy ako sa paghahanap kahit alam kong tinitignan ako ng lalaking ito. "Stop staring, idiot." lumapit ako sa guard. "Kuya, may nakita po ba kayong isang maliit na libro?" hinintay ko ang sagot niya tapos tinignan niya ang taong nasa likod ko. "Hindi po ma'am" ngumiti ako sakanya ang nagpasalamat.

Lumabas ulit ako ng fast food chain at inis na naglakad papunta sa sasakyan. "Ghad!"

"Chill." siningkitan ko siya ng tingin na parang isang galaw lang ay susugurin ko na siya. "Why are you still following me?" huminga ako ng malalim at pinipilit na wag siyang sigawan. "Cuz I have this..." tinaas niya ang librong kanina ko pa hinahanap. "Wtf?" sinubukan kong kunin ang libro sakanya pero hindi ko yun nagawa.

"Ibigay mo na ang libro!" tumatawa siya. Nag eenjoy ata tung mokong nato. 

Tumigil ako sa pag-agaw sakanya ng libro at hinawakan ang bewang ko. "Alam mo bang pwede akong tumawag ng pulis? This is snatching. Lalo na't hindi kita kilala." 

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon