Weird Things
Nichole's POV
Tulala akong nakaupo sa isang upuan sa gilid ng pool. May hawak-hawak akong baso na puno ng juice na hindi ko pa naiinuman. Di ko nga alam kung ba't ako kumuha ng maiinom eh.
"Nikki! Maligo ka na!" naplingon ako sa kinaroroonan nina Emma ng sumigaw siya. "Mamaya na." sigaw ko pabalik. Oo, ako ang nang imbita sakanilang magsaya pero mukhang malamig yung tubig. A-Y-O-K-O.
Uminom ako sa juice na kanina pa ako binubulungan. Haaay, ano na naman tong na iimagine ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nilapag ang baso sa pinakamalapit na table. Pumasok ako sa loob ng bahay at dun nakita sina Zhyler, Manuel, at Zach na nanonood ng TV.
"Ano yan?" sabi ko sabay upo sa couch katabi ni Zach. "Dora."
Inirapan ko si Manuel sa tipid niyang sagot. Pwede namang habaan niya eh like, Dora the Explorer o kung ano man.
HINDI AKO NAIINIS.
"Nikki, nakapag-isip ka na ba dun sa deal natin?" tinignan ko si Zhyler. "Hindi pa eh."
"May deal kayo?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Manuel at tinuon ko na lang ang pansin sa TV. Maya-maya lang ay naagaw ni Zach ang atensyon ko ng bigla niya akong siniko. "Bakit di mo kausapin si kuya?"
Nabigla ako sa bulong niya. "Bakit ko naman gagawin yun?"
Hindi siya sumagot at ngumiti. Inirapan ko siya. Okay, alam kong may kakaibang nangyayari dito eh. Di ko lang malaman kung ano.
Nag inat-inat ako ng mapunta sa tabi ng hagdanan ang tingin ko. Bingo.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko na naging dahilan ng biglaang pag tingin nila sakin. "What happened?" nakatuon parin ang tingin ko sa bagay nayun. "Just nothing."
Bumalik ako sa pagkakaupo ko. Nasa gilid lang ng hagdanan ang Palabras Secretas, kailangan ko yung makuha diba?
But how?
Napahawak ako sa ilong ko sa kaiisip. Ano bayan! Wala akong maisip.
"Masakit ba ang ulo mo?" napatingin ako kay Zhyler sa biglaan niyang tanon. "No, she's not. Nag iisip lang siya." napatingin ulit ako kay Manuel ng sagutin niya ito.
Ramdam ko sakanila ang mabigat na tensyon. No way, wag niyo akong sisihin pag nag away yan sila huh. Sa ganda ko pa naman, sigurado ako dun.
"Sige, sa taas muna ako. Zhyler, saan ba may kwarto dito?"
Sabay na tumayo si Zhyler at Manuel. Chaaaar, nag practice silaaaa. "Sabayan na kita" sabay din nilang sabi. Hindi niyo naman kailangan mag choir.
"I'm tired." tumalikod ako at nagsimulang maglakad. "Halika." hinawakan ni Zhyler ang likod ko bilang alalay paakyat sa hagdanan. Ew. Pero sweeeeeeeeet.
"So Nikki, what are your plans while your still here?" tinignan ko ng masama si Manuel dahil nakasira lang sa kilig ko yung pagsasalita niya. "Relax? Duh." inirapan ko siya at nginitian ko naman si Zhyler.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Teen Fiction"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"