TSH - Chapter 31

39 1 0
                                    

JEALOUS

Nichole's POV


Nakauwi ako ng bahay ng makatanggap ng text ng punyetang ugok. 

'Di tayo textmate. Punyeta ka'

To: SuperHotGuy

Hiniga ko ang sarili sa kama ng makaramdam ako ng sakit ng likod. Nakakapagod ang araw nato. Akala ko pa naman rest day ko na!

Isang linggo na lang at mukhang babalik na naman ako ng Paris. Too much work will kill me.

Pinilit kong tinayo ang sarili ko at kinuha ang laptop. Maghahanap ako ng magandang spa or resort siguro para makapag-relax naman ako at masabi kong bakasyon to.

"Hello?"

"Em? Saan may magandang resort dito? Ang dami kasing lumabas."

"Ay bakit?"

"Gusto kong marelax. Uuwi pa naman ako sa susunod na linggo"

"Ang bilis naman ata. Sige, itetext ko sayo ang address? Bukas agad?"

"As soon as possible. Thank you"

Binaba ko ang tawag at hininto na rin ang paghahanap at nag facebook. 

'Good night pa rin pangeeeeeeeet :)"

From: SuperHotGuy

Napairap ako. Naalala ko bigla na hindi pa ako tapos sa pagstalk sakanya, si Manuel kasi eh!

Nagsimula akong balikan ang profile pics niya at wala akong balak na reply-yan siya.

Oo naman, ang gwapo naman kasi niya! Just imagine, his eyes. Lalo na kapag pinapakita niya yung ngiti niya, grabe.

Ghad. What am I saying? Nababaliw na'ko.

Biglang nag pop-up sa screen ang pag tawag ni Mama.

"Hello, ma?"

"Anak, kakausapin ka daw ng kapatid mo."

"Ay sige po."

"Hello ate?"

"Oh bakit?"

"Nakauwi na pala rito si ate Alexia?"

"First of all, don't call her 'ate'. And yes, umuwi daw siya"

"Tama nga ako. Siya yung nakita ko kanina may kasamang pamilyar"

"Yun lang pa ang sasabihin mo?"

"Wala na. Mag hintay ka na lang"

Ay ang bastos. Binabaan ako? Ang samaaaaa.

Sa loob ng ilang taon, marami akong napansin. Maraming sekreto akong hindi pa nalalaman. Lalo na sa mga barkada ko.

Simula ng makauwi ako, yung nasa libro, alam kong maraming sekreto ang nasa loob ng libro. Kailangan ko yung makuha.


*****


"NIKKI! Bilisan mo naman."

Dali-dali akong tumakbo dala ang isang bag at pumasok sa loob ng van.

"Tayo lang?" Inayos ko ang sarili ko ng mag tanong si Roger.

"May iba pa namang sasama. Tara na!" sagot ni Emma.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon