TICKET
Jenna's POV
Lumabas ako ng classroom at hinanap ang mga kaibigan ko ng makita ko sa malapit si Jerome na kausap ang team mates niya sa basketball.
Lumapit ako sakanya at tinitigang mabuti. "Ano namang kailangan mo?" sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. "Halika ka nga dito!"
Hinila niya ako palayo sa mga team mates niya at huminto kami sa likod ng court.
"Jerome naman! Wag mo na akong pakialaman!" natawa siya sa sinabi ko. Bakit ba? "Hindi ko naman kayo pinakikialaman ah, kahit alam kong may sinasaktan na kayo."
Natahimik ako.
"Wag kang mag salita na parang ikaw ang kawawa dito, Jenna."
Umalis siya sa harapan ko, ang kapal!
Hintayin niya lang ang gagawin ko, human yang pinakamamahal niyang babae sa buong mundo.
Nichole's POV
"HANAPAN MO KAMI NG HOST HUH? BYEEEEEE"
Nakakahiya tung si Roger, sinisigaw pa bago umalis. Guess what people, its Valentines day. AT ILANG ARAW NG HINDI PUMAPASOK SI MANUEL. Tinatanong ko si Zach pero iniiwasan naman ako.
Aha! Siguro may surprise siya sakin.. HAHAHAHAHA Dapat di niya mahalatang na hahalata ko siya.
"Uy Zach!" Tinawag ko siya habang padaan siya sa tabi ko. "Hmmm?"
"Ano.. nakita mo ba si Manuel?" nabigla siya sa sinabi. I knew it! Mukhang alam din ni Zach na may sorpresa si Manuel! Mag isip din kaya ako ng gift para sakanya? Hmmm.
"Huh? Ano kasi.. kasi siya umuwi ka g-gabi."
Tinitigan niya lang ako, hinihintay kung ano ang sasabihin ko.
"Wala ba siyang plano... ngayong Valentines." napanganga siya sa sinabi ko. "Mas nag alala ka pa talaga jan kesa sa hindi niya pag uwi? Wala. Sige, alis na ako."
Bastos. Anong problema nun, syempre hindi na ako mag-aalala diba? Baka kasama sa plano niya yun. Asan kaya natulog yung si Manuel -__- Kapag ako di niya na surprise, patay siya talaga sakin.
Tinawagan ko siya ng tinawagan. Di niya naman sinasagot.
Maya-maya, dumaan sa harap ko yung mga barkada ni Jenna.
Girl 1: Nasan daw si Jenna?
Girl 2: Aba't ewan ko.
Girl 1: Valentines Day ngayon.. ay oo nga pala.
Girl 3: Break na po. Hahahaha
Nag tawanan lang silang tatlong dumaan sa harapan ko. Ang plastik niyo, nag papaka-fame lang pala kaya't bumabarkada ng sikat. Tsk.
Nag lakad ako papuntang canteen na hawak-hawak parin ang cellphone ko. Nang binuksan ko ang pintuan, nakita ko si Jenna na may kausap na lalaking pamilyar, nakatalikod ito kaya di ko makita ang mukha pero pamilyar yung buhok niya. May hawak-hawak ring bulaklak si Jenna kaya't makikita mong masaya siya rito.
"Jenna!"
Di ko alam kung bakit ko tinawag si Jenna, alam niyo yun? Yung ganun? Oo.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
أدب المراهقين"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"