A KISS ON MY FOREHEAD
Nichole's POV
Naglalakad ako ngayon papasok sa Campus. Ngayon rin malalaman kung sino ang partner ko para sa Mr. & Ms. Campus. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong si Zach, manigas yang si Manuel. Kala niya naman gusto ko siya. Pwe!
Malayo pa lang, nakikita ko na si Jenna. Ayokong sabihin to pero mukhang ako ang inaabangan niya. Hindi niya kasama si Jerome kaya nag taka ako, palagi kasi siyang nakakapit dun. Bagay naman sakanya, nagmumukha siyang MAS ahas.
"Nalaman kong ikaw ang pambato ng section niyo." agad niyang bungad sa'kin. "Magtataka pa ba ako? Nalalaman mo naman lahat tungkol sakin." at napangiti ako.
"Duh! Pa as if ka naman." inirapan pa niya ako. "Di ko kasalanang stalker kita, Jenna."
Napangiti ulit ako. Anong akala mo sakin, di nambabara? Kainin mo lahat ng sasabihin ko.
"Huh! Sino ka naman para i-stalk ko?" hay, lumalaban pa talaga siya. "Well, I'm Nichole Alvuena. Ang ex ng boyfriend mo." nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Bakit Jenna? Di mo ba inakalang sasabihin ko yun? Pffft.
"SHUT UP!"
Lahat ng mga studyante ay napansin na kami dahil sa sigaw niyang yun. Ew Jenna, attention-seeker ka masyado.
"Sino bang nagsimula? At teka nga, ano bang pake mo pag ako ang candidate?"
"Ako lang naman ang candidate sa amin." napatawa ako sakanya. "Tapos? Gusto mo ba ang matakot? Whooo--natatakot akooo."
Tinatamad na ako at nagsasawa na sa pagmumukha ni Jenna kahit umalis ako. Pero di ko inaasahan ang ginawa niya. Bigla niyang hinila ang buhok at kinaladkad papasok. May studyante ng kumukuha ng picture at nagtatawanan. Panay naman ako sa pagtanggal sa kamay ni Jenna.
"Jenna! Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" pilit ko paring tinatanggal ang pagkakahawak niya sakin. "Why would I?"
"STOP IT, JENNA!"
Napatigil si Jenna sa pagkakaladkad sakin. Jerome suddenly appeared. Wew! Knight & shining armor? Mukha niya. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Jenna sakin at lumayo sakanya.
"Okay ka lang ba Nikki?"
Unti-unti akong nilapitan ni Jerome. Tutulungan niya sana akong makatayo ng magsalita si Jenna.
"Wag mong hahawakan yan, Jerome!"
Parang walang narinig si Jerome at tinulungan parin ako, pero di ko tinanggap. Why would I?
"Wag!" sigaw ko. Ayaw ko ng madagdagan ang kaguluhan dito. "See? Ang bastos."
"Wag mokong tulungan na parang may pakialam ka. Dahil nung panahong kailangan kita, nasa iba ka't nakikipaglandian. *slap*"
*****
Nakita ko ang sarili ko sa harap ng counter sa cafeteria ng campus. Patuloy lang ako sa pag order, naiiyak na ako pero okay lang.
"Miss, andami naman nito ata neto." napatingin ako sa nagsalitang cashier. "Okay lang po yan ate, gutom po talaga ako."
Food is life kasi.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Jugendliteratur"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"
