TSH - Chapter 26

41 1 1
                                        

CAFE

N. I. C. H. O. L. E.



Inayos ko ang sarili ko sabay suot ng shades ng makababa ako ng eroplano. Nakita ko ang isang papel na iwinawagayway na may pangalan ko. Lumapit ako sa babaeng ayaw na ayaw kong makita sa mga oras na ito.

"Emma." 

Parang nabuhay ang buong kalamnan niya ng marinig akong nagsalita. 

"Hey!"

"OhMyghad!" sumigaw siya bago ako lapitan sa pwesto ko at niyakap.

Pinipilit kong tanggalin ang mga kamay niya sakin kasi nahihirapan na akong huminga. "Stop it, Em" humiwalay siya at inayos ang sarili. "Let's go, I'm hungry"

Ngiting ngiti pa rin siya habang hawak-hawak ang isa kong maleta, hindi ko siya maid people. Hindi ako ganun kasamang kaibigan.

Pumasok kami sa isang cafe. Umupo ako sabay lapit ng waiter.

"Anong sayo, Em?"

Tinigtigan niya ako na parang hindi ako ang kasama niya. 

"Answer me"

Ngumiti muna siya bago nagsalita. 

"Sorry, kung ano na lang sayo"

Tumango ako sakanya at sinabi sa waiter ang order namin. Umalis na siya sa harapan ko kaya't tinignan ko na si Emma. "What's your problem?" natatawa ko pang tanong sakanya.

"Kasi naman te! Parang may.... parang may mali! Ang gara mo na--may pa cafe kapang nalalaman, eh dati sa Jose's Restaurant kana dumiretso. Huy Nikki huh, wag mo kong sinos--"

"Em! Para kang baliw" napahinto siya sa pagsasalita. "Where's Roger?" tumawa ako bago siya nagpatuloy.

"So yun na nga. As I was just saying, wag mo kong sinososyalan Nikki kasi kilala kita."

"You're not answering my question." tinitigan niya ako sa mata. boom. "Why?"

Dumating bigla ang waiter dala-dala yung mga inorder ko at ng sakanya. Cappuccino lang at charlotte cake. Ewan ko kung kakainin to ni Emma.

"You're still not talking." uminom siya ng konti sa cappuccino na nasa tabi niya.

"Masamang magsalita ng kumakain" napangiti ako sa sagot niya. "Nag sasalita ka na nga eh" napahinto siya sa pagsubo ng marealize niya ang napaka-lame niyang excuse.

"Now tell me, Em. Why is Roger not here?"

Binaba niya ang hawak niyang tinidor at humigop sa cappuccino bago nag salita.

"NIKKI NAMAN EH!"

"WHAT DID I DO!?"

Natatawa ko siyang tinignan habang pabalin-balin ang tingin niya sa cellphone niyang nasa lamesa at sa mukha ko. 

"Sabi ko sakanila wag na lang ako eh!" bulong niya. Wow naman!

"Bumulong ka pa, narinig ko naman." sumubo ako ng isang tinidor ng Charlotte Cake at naghitay pa rin ng sasabihin niya.

"Wag mo na kasing hanapin si Roger, busy yun sa jowa niya." 

Para akong nabulunan sa narinig ko.

WHAT THE HECK!?

Nakita ko ang pagkataranta ni Emma ng nakita akong nahihirapan na. Humingi siya ng tubig sa waiter at agad ni ipinainom sakin. Ng nahimasmasan na ako ay tinignan ko siya ulit.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon