OVER PROTECTIVE
Nichole's POV
Lumabas kami ng bahay ni papa at sumakay ng taxi. Papunta na kami ng airport ngayon, kasama rin pala si Ian at Jansfer. Nag pumilit kasi ang dalawa.
Mag tatagal rin kami sa Maynila hanggang sa mag 18 years old ako. Isang taon na lang.
"Kamusta na pala si Mr. Regatta?"
Nahihiya pa si papa ng itanong niya ito sa loob ng taxi.
"PAPA NAMAN! Di niyo naman sinabi na ikakasal pala kami ni Manuel!" nasabi ko na lang ng maisip ko yun.
"Ikakasal kana ate?"
"Ang bata mo pa yata."
Biglang sumabat sa usapan namin ang dalawa, sina Jansfer at Ian, habang nilalagay sa compartment ng taxi ang mga bag namin.
"Tumahimik nga kayo. Pumasok na kayong dalawa dito. Jansfer halika ka tabi tayo, dun ka sa harap Ian."
Pumasok ang dalawa sa loob, heto namang si Ian ay nagkaroon na ng sariling mundo at sinuot ang headset samantalang natulog naman si Jansfer.
Mahaba habang byahe rin to.
See you soon, Maynila.
See you soon, Manuel.
*****
"Welcome to Manila"
Nagising ako sa pagsasalita ng piloto. Hinanap ko pa si Papa at yung dalawa pagkadilat na pagkadilat ko. Pinagtatawanan pa nung dalawa yung picture ko habang natutulog.
Ng makalabas kami ng eroplano ay in-on ko na ang cellphone ko. Sunod-sunod naman ang mga text ni Manuel, Emma at Roger. Ni reply-an ko lang sila isa-isa. Sinabihan ko lang na nasa Manila ako.
Pagkalabas namin ng airport ay may sumalubong saming itim na puting Ferrari at niluwa nito si kuya. Kinuha niya yung mga bagaheng dala namin at tinulungan naman siya nila Ian at Jansfer.
"Pa, tara na." binuksan ni kuya Sam ang kotse niya.
Pumasok kaming apat sa Ferrari at nakauwi ng maayos sa bahay. Nauna silang pumasok, napatigil ako ng may makita akong boxes sa labas ng gate. Eh?
Kinuha ko ito at dinala sa loob ng bahay, nakita kong busy si mama sa pagluluto habang papasok ng kanya kanyang kwarto nila sina papa, Ian, at Jansfer kaya pumasok na rin ako.
Tinitigan kong mabuti ang mga kahon, oo MGA. Tatlong box kasi yung nakita ko. Bakit pa nag papadala si papa, nagkita na nga kami diba?
Bakit kailangang iba pa?
-JF <3
Yan ang nakasulat sa mismong TATLONG kahon. Puro naman maliliit na teddy ang laman. Sunod sunod ba'tong pinadala dito? Bakit di kinukuha ni mama? Napansin ko bigla na nasa akin pala ang headset ni Ian kaya naalala kong i-open ang laptop.
In-open ko ang facebook ko at nakita ko ang lahat ng notif at messages. Hindi ko yun in-open at nag patuloy sa pag scroll down sa news feed ko ng biglang dumaan ang post ni Jenna.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Genç Kurgu"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"