PLANNING
Nichole's POV
Bumaba ako ng hagdanan at kita ko mula sa kinatatayuan ko ang libro nakaipi sa ibang gamit ni Emma. Ba't pa kasi dinala niya yan, yan tuloy may plano na'ko.
Dapat ko yang makuha.
Feeling ko kasi nandiyan talaga ang mga sekretong tinatakpan ng mga kaibigan ko, 5 years lang naman akong nawala pero madami na atang nangyari dito.
"Halika na Nikki, swimming na tayo." tawag sakin ni Roger. Hinubad ko ang kanina ko pa suot na see-through at ngayon ay naka two-piece swim suitna lang.
Lumabas ako sa pool area at doon ay kompleto sila maliban kay Zhyler na nakaupo lang sa gilid. "Tara na, Zhyler" pagyaya ko sakanya. "Sige lang" ngumiti siya.
Tumalikod ako at naghahanda ng tumalon.
Nangmakatalon ako sa pool ay tubig agad ang sumalubong sakin, syempre naman diba. "Sa wakas, naligo rin" asar sakin ni Emma sabay wisik ng tubig sa mukha ko. "Stop that, baka malagyan ng tubig tung tenga ko." tumawa ako at nagsimulang lumangoy.
Ahhh, this what I call relaxation!
Pagkaahon ko sa tubig ay katawan agad ni Manuel ang bumungad sakin. sht. Kailan pa siya nagka-abs?
Ghad. What are you thinking?
"Be careful, Nikki" ghad damn it! Nainggit ako sa mga tubig na tumutulo sa katawan niya. Haaaaaaaay ano na ba tung iniisip ko!? "Stop staring, but you look sexy"
Napanganga ako sa sinabi niya. Lumangoy siya paalis sa harapan ko. What just happened?
Napatingin ako kay Zach na siniko naman ako. "Kausapin mo na kasi siya, hahaha" iniwan niya akong nakatunganga. Di ko naman kasi akalaing... nevermind.
Umahon ako sa tubig at kumuha ng tuwalya sa gilid. Tinuyo ko ang sarili ko at umupo sa isang upuan.
Ba't ang hot na niya? Hot naman talaga siya, dati pa. Haaaaaaaaay ano na ba tung nasa isip ko?
Tumayo ako at sinuot uli ang see through ko sabay pasok sa loob ng bahay. Naalala ko bigla kung paano kukunin ang libro. Tinignan ko ang pool at ang saya pa nila doon. Lumapit ako sa mga libro at pasimpleng kinuha iyon. "Nikki."
Napalingon ako sa nagsalita, Zhyler. "What are you doing?" napatulala ako. "W-wala." ngumiti siya at kinuha sakin ang libro. "Hmmm... I see. Don't worry, hindi ko sasabihin sakanila. Nabasa ko na naman yan"
Wait... what? Paano niya nabasa to? "Kay Alexia to diba? Pano mo to nabasa?" natahimik siya. Gotcha. What are you hiding, Zhyler. Lumunok muna siya bago sumagot, "By my sister. Anyways, read it. There are so many things you need to know"
Umalis siya sa harapan ko. Agad akong tumakbo paitaas ng ibalik niya yung libro, baka makita pa ako ni Emma.
Nang makaupo ako sa kama ay binuksan ko agad ang libro. Wala akong pakialam kung tumutulo na ang natitirang tubig sa katawan ko.
Dahil sa wala na akong time na basahin to lahat ngayon, naisipan kong picture-ran na lang ang bawat page at baka makahalata na si Emma sa baba.
Dali-dali akong bumaba at iniwan ulit ang libro kung saan ko man yun kinuha. Di ko alam pero kinakabahan talaga ako pag hawak ko yun eh.
"Nikki, okay ka lang?" tanong sakin ni Jenna ng mapadaan siya sa harapan ko. "Yeah, okay lang." tinignan ko ang orasan at malapit ng mag 4 pm. "Sige. Magluluto muna ako, wala naman akong ginagawa." ang galing naman ng excuse ko para lang di siya makausap. Hahahaha--hanggang ngayon kasi nang gigigil pa ako sakanya.
Agad akong pumasok sa kusina at akmang magluluto pero sa totoo lang, kanina pa ako tinatamad. Nakita kung pumasok si Zach kaya't kumuha ako ng mga kakailanganin kong ingredients para makapagsimula na.
Habang hinihintay kung kumulo ang tubig para sa pasta ng spaghetti ay naisipan kung basahin ang Palabras Secretas.
Hi. I'm Alexia, this is my diary. I do not consider my life as perfect. Since my mom gave birth to me, my life actually changed. Hindi ako lumaki sa totoo kong mga magulang, I was raised in Paris and lived with my foster parents.
All my life, akala ko sila ang totoo kong mga magulang. And then, when I was 7, I discovered that I have a sister. At syempre, research naman ako ng research. I found out na iniwan sila ni 'daddy' Joey, ang totoo kong ama. May plano pa akong bumalik, pero di ko inaasahan ang naging sagot ng tunay kong ina.
"You're not my daughter." that line made my tears flow. Alam kong alam niya na ako ang anak niya, bakit pa kailangang i-deny?
Napatingin ako sa kumukulong tubig. Agad kong nilagay ang pasta sa pagkataranta ko. Naisipan kong ihinto muna ang pagbabasa.
Di ako makapaniwalang tinanggi siya ni Mama, di ako makapaniwalang matagal na niya kaming hinahanap tapos ganun lang?
"Nichole, okay ka lang?" tanong ulit ni Jenna ng mapadaan ulit siya sakin. "Ah, oo. Okay lang" nginitian ko siya. Umupo siya sa harapan ko at ininom ang dinadala niyang juice.
Nag luto na ako ng sauce, "Nikki, paano kung may dumating na lalake sakin tapos malalaman kong kapatid siya ng kaibigan ko. Kung ikaw ako, anong magiging reaksyon mo?"
Hindi ko siya tinignan pero sumagot parin ako. "Okay lang naman, kapatid naman siya ng kaibigan ko, anong masama dun?"
Tumayo siya sa sumandal sa counter malapit sa'kin. "Eh, paano kung saktan ka lang niya, anong itatrato mo sa kaibigan mong kapatid niya?" napatawa ako. "May pinagdadaanan ka ba Jenna? Anyways, di naman ako magagalit dun sa kaibigan ko, kapatid niya yung nanakit hindi naman siya"
Tumango tango siya at umalis ng kusina. Ano bang nangyayari sakanya? Makapagpatuloy na nga sa pagbabasa.
Nasaktan ako dun, sobrang sakit para sakin yun kasi... di ko naman naranasan ang tunay napagmamahal ng isang magulang eh.
Umuwi ako nun at nakilala ko ang kapatid ko pero di niya alam. We became bestfriends, ang alam niya simpleng kaibigan lang ako pero no, I'm her sister.
Kailangan kong bumalik sa Paris to live my life, hindi ko naman hahayaang masaktan lang ako sa Pilipinas, so I left my sister.
When I was 16, nakilala ko tung isang lalake. His much younger than me and I fell in love to that bastard stupid boy. Sa Pilipinas siya nakatira, and one day nagtaka ako kung bakit siya makikipag break. Yun pala may girlfriend na siya, si Jenna.
Wait... WHAT? Jenna who? Jenna na kaibigan ko? So do you mean, naging sila ni Manuel?
Ayun, naging masaya pala si Jenna at Manuel. Hindi ako nakapagmove-on sa sobrang sakit then I found out na... ikakasal na siya. Syempre akala ko si Jenna diba? But I am wrong. Nalaman kong ikakasal siya sa babaeng importante sa buhay ko, Nichole.
Nasaktan ako like WTH? Sarili kong kapatid ang magiging kaagaw ko?
Hindi ako makagalaw. This is not happening...
"Nichole? Wake up!"
at napapikit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/93601828-288-k888730.jpg)
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Fiksi Remaja"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"