Trip To Palawan 3.0
Nichole's POVNatawa ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Suot ko ngayon ang isang casual lang na jeans at off shoulder na top na hindi ako ang pumili. Alam ko namang alam niyo na kung sino.
"Emma! Wear this jewelry."
Nagtatalo na naman si Jenna at Emma. Tinignan ko sila sa labas ng kwarto habang nagtatalo, kahit kailan talaga di matatahimik itong si Jenna.
Bumalik ako sa salamin at tinignan ang suot kong kwintas. Nabaling ang atensyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na naman si Manuel.
"Hello?"
"Nasa labas na kami."
Pinatay ko ang tawag. Nilagay ko ang cellphone sa loob ng maliit kong purse at lumabas ng kwarto.
"Tara na."
Nag tungo ako sa harap ng pinto. Bubuksan ko na sana ito ng biglang pumihit ang door knob, bumukas, at iniluwa si Zach.
"Nasa baba na sila. Ang tagal niyo daw."
Lumabas ako sa hotel room at nag tungo sa elevator. Sasara na sana ito ng makita namin ni Zach ang dalawang babaeng tumatakbo papunta samin.
"Di niyo naman kami hinintay!"
Di ako nag salita at naghintay na lang na tumunog ang elevator. Nang bumukas ito ay agad na nahagilap ng mata ko si Roger pero wala akong Manuel na nakikita.
Hindi ko pinansin ang nararamdaman ko dahil baka nagiging OA lang ako at nasobraan sa excitement.
"Nasa may pool area lang daw ang venue."
"Eh? Akala ko pa naman malayo ang pupuntahan natin." Yun talaga yung ine-expect ko -__-
Umalis si Jenna at Emma dahil naiihi daw, naiwan naman ako kasama ni Roger at Zach. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng isang pamilyar na ring tone.
"Teka, baka si mama to. Mauna na kayo sa pool area. Si mama talaga!"
Huminto siya at halata sakanyang pagsasalita ang inis dahil sa pagtawag ng kaniyang ina. Napatingin ako kay Zach, hindi sila gaanong magkamuha ni Manuel pero masasabi mong may hawig sila. Siguro pag inayos mo lang ang magulong buhok ni Zach ay magiging kamukha na niya si Manuel.
Nagugutom nako kaso wala akong dalang pera, party naman kasi ang pupuntahan. Mangungutang na lang ako kay Zach.
Nauna siyang mag lakad kaya napatingin ako sa likod ng kanyang jeans ng may mapansin ako.
"May dala ka bang wallet, Zach?"
"Meron, nand--ASAN NA YUN!?"
Napahinto kami sa paglalakad ng mapansin niyang wala sa likod ng kaniyang jeans ang nag iisa niyang pitaka, oo alam ko yun.
"Balikan ko muna sa kwarto baka nandun lang. Baka gusto mong samahan muna kita papunt--"
"Wag na. Sa pool area lang naman -_- Hanapin mo na."
Nginitian niya ako at biglang tumakbo papasok sa elevator. Nang makalabas ako ng hotel ay ramdam ko agad ang lamig ng hangin habang patungo ako sa pool area. Di pa lang ako nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang malakas na tugtog na nagmumula rito. MAS LALO AKONG NAE-EXCITE!
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Roman pour Adolescents"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"