TSH - Chapter 17

44 7 0
                                    


DRUNK MANUEL
Nichole's POV

Lumabas ako sa terrace ng hotel room at huminga ng malalim. Uminom ako sa hawak-hawak kong kape at umupo sa isa sa mga upuang nakalagay dito. Tinignan ko ang mga taong naglalakad sa baba, this day is a peaceful one.

"ATE NIKKI!!!"

Napatingin ako bigla sa gilid ng marinig ang boses ni Jansfer mula sa kabilang terrace. Hindi ko siya pinansin at tinoon ang pansin sa kapeng iniinom ko.

"ATE NIKKI!!!"

Tinignan ko siya ulit at naningkit ang aking mata ng makita kong kasama na niya si Ian sa gilid niya.

"WHAT!?"

Para kaming mga baliw na nag sisigawan.

"Punta kami jan?"

"No, you don't have t---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng mawala sila. Ghaaad, ang tigas talaga ng mga ulo nito.

Pumasok ako sa loob ng hotel room at hinugasan ang basong kagagamit ko lang ng may marinig akong kumatok.

"Em, buksan mo. Sina Ian yan."

"Eh? Ba't ako? Ayoko." Napairap ako sa sagot niya. "Hala, sige. Utusan mo si Jenna."

Naglakad siya papunta ng pintuan at binuksan ito. Bigla namang pumasok si Jansfer at umupo sa couch samantalang ang Ian naman ay pa-cool na pumasok, nag papapansin lang naman.

Binuksan ni Jansfer ang TV at nanood ng cartoons. Natapos ako sa paghuhugas kaya't umupo ako sa tabi niya. Hinila ko ang kanyang tenga at nagsalita.

"Ayaw mo ng ticket na binigay ko tapos ngayon may papunta-punta ka pa dito!?"

"Chill, sistuh. May kailangan lang akong sabihin sayo, importante."

Umirap siya, aba aba. May natututunan na siyang irap ngayon?

"AT ANONG MERON SA INYO NI JENNA!? Ano ba kayong dalw---"

Tinignan namin si Jenna na kakagaling lang sa kama na mukhang ngayon pa napansin ang dalawang unggoy.

Hindi siya sinagot ng dalawa kaya't bumalik ito sa kama at may kinuhang papel.

"Pupunta tayo somewhere, get ready. AND BOYS, go back to your room and change, nakakasuka kayo tignan."

"Mas nakakasuka ka."

Bulong ni Ian bago tumayo at lumabas ng kwarto namin.

"Di na ako nag taka kung saan yun nag mana."

Tumayo ako at nag handa na para sa mga gagawin namin ngayong araw, nakakakaba.

*****

"Welcome to our first destination." Agad na sabi ni Jenna ng makababa siya ng van namin.

"WAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

Pumikit ako habang tinitignan ang zipline.

"I am NOT trying that one."

Tumalikod ako mula sa entrance at aalis na sana ng bigla akong hilahin ni Manuel.

"You need to face it, duh."

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon