TSH - Chapter 19

31 5 0
                                        


MOVING
Nichole's POV

Nagising ako sa isang kalabog ng di ko alam kung ano. Agad akong tumayo sa pagkakahiga at pumasok muna ng banyo bago bumaba. Nang pababa ako ng hagdan ay nakita ko ang apat sa living room.

"Ano yan?"

Tinignan nila ako.

Umupo ako sa tabi ni Jansfer na ngayon ay panay ang titig sa mga kahong nasa harapan namin. Tinignan ko sina Mama at Papa kasi di ko naman maintindihan at di ko alam ang nasa loob ng kahon.

Tumayo si Mama at pumunta sa mini table katabi ng hagdanan namin at kinuha ang isang papel roon. Bumalik siya sa pagkakaupo at pinakita iyon sa amin.

"Bahay?"

"Lilipat tayo ng bahay."

"HUH!? BAKIT!?"

Tinignan nila ako. Okay, ang OA ko dun. Hindi naman sa ayaw kong lumipat. Yung pagod lang kasi ng paglilipat yung naiisip ko ngayon.

"Kasi maliit na tung bahay para sa ating anim."

"Anim?"

Tumayo silang tatlo at naiwan kami ni Jansfer na nakatunganga sa living room. Sumunod din ako sa kusina. Iniwan ko si Jansfer dun sa living.

Umupo ako sa dining table at kaharap ko ngayon si Mama. Nakatingin siya kay Ian na nag se-serve ng pagkain. Teka nga, bakit ba sumama itong si Ian dito sa Manila?

Natapos kaming kumain na nakabusangot parin si Jansfer. Galit to kasi di ko sinabi sakanya... HAHAHAHA. Nauna siyang natapos kaya't umalis na siya hapag-kainan. Tinignan ako ni Ian na parang tinatanong ng mga mata niya kung anong nangyari.

Tumayo ako at nilagay ang kinainan sa lababo. Natapos ko agad ang paghuhugas at babalik na sana sa kwarto ng tawagin ako ni Papa.

"Mag simula kanang mag balot Nikki."

Hinagis niya sa akin ang box sa loob ng box na nasa loob ng box na nasa loob na naman ng box. Basta maraming box.

Wala akong nasabi pabalik at nag tungo na lang sa kwarto ko. Nilagay ko ang box sa kama at pinatugtog ang fave playlist ko sa spotify. Nag tungo sa walk-in-closet at namili ng mga damit na uunahin ko sa pag babalot.

Habang lumilipas ang oras ay konti na lang ang mga damit na nakikita ko. May mga stuff toy din akong binalot, syempre dadalhin ko ang mga mahal kong stuffy. May nakita akong isang damit na mukhang kay mama, ito talagang si Ian!

Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa kwarto ni Mama at para isauli ang damit niya. Wala siya sa kwarto kaya't nilagay ko na lang sa mini table ang damit na yun. Nakita ko ang titulo ng bahay na lilipatan namin. May sulat doong mukhang kakabukas lang. At syempre binasa ko.

____________________________

Dear Mama,

Tu me manques. I miss you. Its been 17 years. I bought a new home for you and your family. Hope you'll like it.

____________________________

"Nikki?"

"Sinauli ko lang po itong damit niyo. Sige, mag babalot na po ako."

Lumabas ako ng kwarto niya. Nang makalabas na talaga akoo ay bigla akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Inalis ko ang mga kahon at umupo ako sa kama.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon