DADDY JOEY
Nichole's POV
Nakatanggap ako ng ilang tawag mula kina Emma at Roger pero hindi ko sinasagot. Biglang tumunog ang cellphone ko at pang tatlumpong pitong text na yun ni Manuel kaya't naisipan kong mag reply na lang.
Manwela: Asan ka na ba? Kanina pa ako text ng text, mag reply ka naman.
Ako: Hindi ako papasok. Nasa Davao ako.
Oo. Nasa Davao ako ngayon, sa bahay ng papa ko. Ng malaman ko kung nasan si papa ay pinilit kong puntahan siya. Kakalapag ng eroplano ko at quarter to 10 na kaya't tinawagan ko si Ian, pinsan ko.
"Hello?" -Ian
"Nasa airport na ako. Asan kana?" -ako
"Saba daw.. Ahh--ma-malapit na ako, kasama ko si Jansfer--sshhhh" -Ian [Saba daw = Tahimik nga]
"Sige"
Binaba ko ang tawag at sinimulan ng maglakad. Kapatid ko si Jansfer. Ni hindi ko siya makitang maipanganak.
Nasa labas na akong ng airport ng may nakita akong bumaba sa sasakyan.
"Ikaw ba si Ms. Alvuena?" tinignan ko ang lalaking nagsalita. "Oo. Bakit?"
"ATE NIKKKIIIIIIII!!!"
May tumakbong lalake sakin at niyakap ako.
"It's me ate Nikki, Jansfer! And Ian." nabigla ako sa sinabi nila. "Oh my! Ang laki niyo na!"
Sumakay ako ng sasakyan at biglang nakatulog...
*****
"Ate, gising kana."
Nakaramdam ako ng kamay sa pisngi ko. Hinila ako nito para makatayo ng bigla akong mabunggo.
"Aray naman!"
Nag peace sign sakin si Ian at kinuha na ang bagahe ko. Una siyang pumasok ng bahay pero parang kinabahan ako, its been 6 years. Binuksan ni Ian ang malaking pinto. May biglang humawak sa balikat ko at nakita ko si Jansfer. Nag thumbs up sign siya sakin. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang nag lakad papasok.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko ang living room kung saan nandun ang mga pinsan ko. Tinignan nila akong mabuti at parang yung iba hindi ako kilala, anim na taon na kasi. Haaaaay.
May narinig akong yabag ng paa na pababa ng hagdanan, nakatingin parin ako sa sala dahil kinakabahan na talaga akoooooooooo.
"Nasa likod mo na si Daddy Joey."
Humarap ako sakanya at nakita ang mukhang ilang taon kong di nakita.
"Pa..."
Bigla niya akong niyakap.
Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko, magiging masaya ba o magagalit.
"Anak, na miss kita."
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Novela Juvenil"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"