TRIP TO PALAWAN 2.0
Emma's POV
Nang pumasok ako sa kwarto namin ay dumiretso agad ako sa banyo. Sinarado ko ang toilet at umupo roon. Sa lahat ng pwede niyang kantahin BAKIT SHAPE OF YOU!? ALAM NIYA BA KUNG ANONG MERON SA KANTANG YUN?
Pero ghaaad, bakit ganun? Nung kumanta siya sa eroplano, parang may something espeshiiii. At di ko yun gusto, nakakaimbyerna. Taena.
Ilang minuto ang nakalipas at naisipan ko ng lumabas ng banyo. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang dalawang babae.
Lumabas ako sa banyo at pumunta sa kama para humiga. Tinitigan nila akong dalawa kaya't umupo ako mula sa aking pagkakahiga.
"May party tayong pupuntahan."
Tumayo ako sa kama at nag tungo sa kusina. Alam kong sinundan nila ako, napabuntong hininga ulit ako.
Hinila nila akong dalawa at lumabas sa kwarto namin. Pinagtutulakan nila ako sa harapan ng kwarto ng boys.
"BUKSAN NIYO MUNA SIGURO, ANO?"
Binuksan naman iyon ni Nichole. MYGHAD!
"ANO BA!? Wag niyo nga akong ipag..tu..la..k-kan."
Napatingin kami kay Manuel na towel na lang ang suot ngayon. MY EYES!
"OHMYGHAD! MAG SUOT KA NGA NG DAMIT, MANUEL!"
Dali-daling tumakbo si Manuel sa loob ng banyo dahil sa hiya.
"Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ni Roger. "May sasabihin si Emma."
"Wala nga akong sasabihin!"
Kailangan kong umalis ditoooo. Bakit pa kasi pinipilit!? Lalabas na sana ako ng bigla akong harangan ng dalawang babae.
"Oo na! Wait lang!"
Wala akong ibang matignan kundi si Ian lang. Hooo!
Bigla akong tumakbo palabas ng kwarto at this time di na ako nahawakan pa. Naramdaman kong sinundan ako ng mga girls, pati na rin si Roger.
"Huy babae ka! Tumigil ka nga sa pagtakbo!"
Napahinto ako. Ngayon ko lang din naramdaman na nasa may pool area na pala kami ng hotel. Tumalikod ako para tignan ang mga sumusunod sa akin na sobrang hingal na.
"Wala kang karapatang pahabolin ang reyna, ako dapat ang hinahabol dahil I am the queen and always be the---"
"Shut up, Jenna! Ano ba kasi ang nangyari dun!? Akala ko ba sasabihin mo na?"
Umupo ako sa sahig doon kahit alam kong mababasa lang ang suot kong shorts.
"You know what? We're not close but I don't have any choice to be with you."
Napatingin kami kay Jenna.
"It's obvious, Jenna. Can you shut yo--"
"No, I can't. I wanna know more about Emma and Ian."
Tinignan ko siya ng mabuti. ANO BANG PAKE MONG BABAITA KA!? FC masyado.
"Wala akong sasabihin, pero pupunta ako sa party."
*****
Nichole's POV
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Novela Juvenil"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"
